Finding Homebased Jobs through oDesk

Paano nga ba malalaman kung tunay at hindi nanggogoyo lang ang aaplayang homebased job?

Unang una ay hindi kayo hihingan ni kusing para sa pagiging miyembro niyo at sa pangakong bibigyan agad kayo ng employer. Walang ipinangangakong suntok sa buwan at very tempting na offer. Bagkus ay realistic ang approach.

Pag-usapan natin ang oDesk..

Ang unang legitimate na site na alam kong seryoso at totoo (doon ako unang nakakuha ng homebased job) ay ang oDesk.. Dito bumabagsak ang libo libong naghahanap ng magiging tauhan at dito rin naghahanap ang libo-libong nangangailangan ng homebased job. Di lang nakatali sa writing ang mga trabaho dito, bagkus ay kahit na anong technical at computer related jobs ay patok. Kung magaling ka sa photoshop, web designs at pagbuo ng website, tinitiyak ko sa inyong para kayong hotcake at maganda ang rate. Hindi bababa sa $10 per hour. Ang inyong magiging kita ay kayo ang magtatakda, kayo ang magsasabi kung magkano rate ang gusto niyo. Ang disadvantage lang dito ay pababaan kayo sa bid. Halimbawang ang budget ay $100 tiyak na ibababa pa niyo un kung gusto niyong mapansin at makuha agad. Kayo ang nakakaalam sa kakayanan niyo at sa makatotohanang bayad.

Tanong uli, magkano naman ang pinaka-kickback ng oDesk.? Sa itinakda niyong rate ay hindi kayo babawasan ng oDesk.. Ito ay magpapatong ng 10% na siyang ibebenta sa mga employer. Kaya sa panig niyo ay malinis lahat. Maging ang pagpoprovide nila ng  oDesk. card (debit card by Payoneer) ay wla kayong ilalabas na pera, ipaprocess lahat nila ito at sa loob ng isang buwan ay darating ang card ninyo na siyang babagsakan ng inyong magiging kita. Yung unang kaltas nga lang sa card ang medyo malaki, halos P1000 din pero one time lang. Dun nila kukunin ung processing fee ng card. Ang itinakda ninyong rate ay mababago pa depende sa mapag-uusapan ninyo ng ‘boss’. Araw-araw ay padadalhan kayo ng possible job offer at me allocation kayong 20 application sa isang linggo. Meaning, kapag nasagad ninyo ung pag-aapply ng 20 next week ay me 20 uli kayong available. Sa mga hourly jobs ay me monitoring ang  oDesk sa kanilang provider. Ito ay para masiguro sa employer na nakalog at gumawa kayo sa itinakdang oras. At para maging kasiguruhan naman sa panig ng provider na kapag di sila binayaran ng employer ay ang oDesk ang mamamagitan gamit ang  oDesk monitoring system na tinatawag na odesk team. Beneficial sa bawat panig.

Ngunit kapag fix ang usapan ninyo ng employer, halimbawa ay per article ang bayad. Ang oDesk ay nagpapaalala na di sila makakapamagitan sapagkat wala silang control dito. Yun ang risk na maaaring abutin ng provider.

Paano ba at ano ang kailangang gawin para makapasok dito?

1. Gumawa ng account sa oDesk (create profile) makikita ito sa kanang itaaas na bahagi ng  oDesk home.

2. Piliin ang ‘FREELANCE PROVIDER’ kung ikaw ay naghahanap ng trabaho at ‘BUYER’ kung ikaw naman ay naghahanap ng empleyado. O kaya ay ‘PROVIDER COMPANY’ kung ikaw ay me isang team ng mga manggagawang hinahanapan mo ng trabaho.

3. Pagkatapos ay sundin at fill upan ang mga kailangang data.

4. Bumuo ng profile (parang resume) at ilagay ang mga link ng iyong mga nagawa, halimbawa ay ang site ng blog mo o web na nagawa mo para maging portfolio.

Tip: kung wala ka mang mailagay agad ay gumawa ka na para maging portfolio sa susunod na panahon.

5. Kumuha ng mga free exam doon na angkop sa iyong sinabing kakayanan. Kung ikaw ay data encoder ay marapat na maipasa mo yung Office 2003 o 2007 at Excel 2003 o 2007 exams at pati ung Sentence Structure nila. Madalas na hinahanap at pinagbabatayan ito ng  mga ‘Buyer’.

6. Ang pinakamahalaga sa lahat para maging kuwalipikado ay maipasa ang “ODESK READINESS’ exam. Bibigyan ka ng 2 linggo para pumasok at pag-aralan ang odesk team at mabasa ang policies at agreement ng oDesk at iba pang me kaugnayan sa  oDesk I am proud to say na ako ang number One sa oDesk readiness at that time. Ewan kung me nakabeat na ng record ko na perfect score for 4 mins. (konting yabang lang po). Bibigyan kasi kayo ng ribbon dun sa score kapag pumasok kayo sa Top 20 ng alinman sa mga exam nila at makikita ninyo yung ranking doon.

7. After that ay araw-araw na kayong me matatanggap na job offer at bahala ka ng tingnan kung ano ang tingin mo ay kuwalipikado ka.

Ano ang disadvantage ng oDesk.?

Kapag isa ka na sa provider ng oDesk ay you really feel proud of it (sumang-ayon naman kayo o) kasi ay kabilang kayo sa isa sa pinakamalaking outsourcing company sa buong mundo. Nang magjoin ako by July last year ay around 70,000 na ang miyembro pero bago natapos ang taon ay pumalo na ito sa 120,000.

Ito ang lumalabas na pangit naman, kasi ang dami na ng nag-aagawan sa mga available na trabaho kaya ang competition ay tight and stiff na ngayon. Parang mga prutas na napapanahon at sangkatutak sa palengke kaya mababa ang demand. Marami kasing pagpipilian ang mga buyers at ang masakit, para makakuha lang ng trabaho ay marami ang nagbababa ng sobra ang hourly rate o maging sa fix rate.

Huwag nating hayaang bumagsak ang value natin, dapat ay mag bid ng tingin natin ay worth talaga natin.

But it still worth a try.

Para sa mga kaugnay na usapin basahin lamang ang mga sumusunod:

Advantage and Disadvantage of Homebased Jobs

Ano ang Magandang Paraan sa Pagkuha ng Bayad sa Employer

Hanapbuhay para sa mga inang nasa bahay

Verification sa Paypal gamit ang oDesk card

About these ads

64 responses to “Finding Homebased Jobs through oDesk

    • Nahihirapan na ako sa odesk ngayon e dami na competition, mas nag enjoy ako sa bestjobs ngayon kasi sila na naghahire sa iyo hehe. Pero di ko pwedeng talikuran yan, yan ang nagbinyag sa akin sa homebased jobs e. add kita ha

  1. Pingback: Natanggal ka ba sa trabaho? « Satiriko ng buhay

  2. hi redfieryheart,

    sa totoo lang nung mbasa ko ito kasi naging interesado ako..sige try ko siya..in the meantime gawa na muna ko ng account..hehe..

    thanks and GODBLESS….

  3. thanks sa info..buti tagalog hehe.

    whew.. mas naintindihan ko na yung odesk ngayon..ha! ita-try ko na rin.

    hey i find this odesk tips din for first timers..

    hope it helps us all..regards..

  4. grabe naman po ung bestjobs.ph
    ang tindi ng mga requirements, kelangan graduate ka pa ng specific course bago matanggap,

    as of now odesk pa rin ako.

  5. how do you get paid nga pala sa bestjobs? directly from the employer na? wala ng mga paypal, etc. account na kelangan? dami ba home-based jobs na makukuha. im excited. kaka-submit ko palang ng resume yesterday. what are the jobs na nakuha mo so far?

    • pag-uusapan ninyo un, pero kung ako kayo ay ung Xoom ang ipagamit ninyong way sa employer niyo, kasi wala kayong ilalabas kahit singko at madaling makuha kasi madaming affiliates dito sa atin gaya ng Cebuana Lhuiller. Unlike paypal na bukod sa matagal, me around 250+ na ikakaltas ang bangko kapag pumasok na ung payment o ipinasok niyo na from paypal to bank account. mga 5 days (working days) bago mag ok un.

    • Sa ngayon ay 3 ang boss ko yung 2 ay galing sa bestjobs at ung isa e recommendation lang. Inalis ko muna ung resume ko sa bestjobs kasi di ko pa need ang bagong work at kapag nangailangan na e saka ko ibabalik para fresh at me mga bagong data na.

      • nagjoin na ako bestjobs pero di ko alam kung pano kumuha ng work duon. gusto ko ng article writing dahil mabilis akong magtype gsto ko kumita tru homebased lang. ano ba ang step?lagi nanghihingi ng email eh

      • Ok lang na ibigay mo email mo kasi dun magpapadala ng invitation ang mga intresado sa iyo. Magsubmit ka lang ng resume at ilagay mo na article writer ka tiyak madami magkakainteres sa iyo. Good luck!

  6. Tama ka diyan kaibigan. Di pwedeng umasa lang sa swerte, madami sa mga employer ung portfolio ang pinagbabasehan. Gusto nila ung konting instruction lang ay alam mo na at magagawa mo na ng maayos. Matagal ka na ba sa homebased job?

    • medyo lang. last yr lang ako nagsimula.

      nga pala, di rin maganda na kumuha ng jobs na mababa ang sahod kung ang gusto mo tumaas sahod mo in the future. kasi kung makikita nila na ganun lang sinasahod mo sa dati mong job, mag aalangan silang bigyan ka ng mataas na sahod. iisipin nila ok lang sayo yung mababa.

  7. interested po ako pumasok sa odesk kaso hndi ko po alam kung paano pwede po ba na discuss nyo skin ang step by step procedure dito lang kc ako sa bahay at may sarili naman po ako computer. gusto kopo sana dito ako mg work sa bahay….

  8. paki email naman po ako kung paano interesado po kasi at at tsaka gusto ko din po malaman kung paano pg kuha ng salary kung homebased job ka kung dito ko sa bahay gagawin yung trabaho. medyo madami na din kasi scam ngaun.

  9. Retirado na po ako at maliit ang pension pambiling maintenance drug. Paano po maaugment ang kita rito ? mi Writing skills po ako: TECHNICAL/SCIENCE WRITING, FEATURE WRITING, PRESS RELEASES, SCRIPTWRITING FOR VIDEO, etc. mi market po ba ito ?
    Paano po ang bayaran rito ? kailangan mi existing ATM card bank account ka ba ?
    Pwede po bang madetalye ang sagot ninyo sa email ko ?

    Maraming salamat po.

  10. Papaano ba yung bestjobs.ph, ano ba yun online job din katulad ng odesk? Para kaseng jobstreet or usual classified ads. Papaano kaya ako kikita kahit sa bahay lang. Okay sana ang odesk kaso lang kelangan may verified phone number

    • outsourcing site din yun na pinaghahanapan ng mga employer for freelance provider at pinaghahanapan naman ng work ng mga freelance provider. Walang gaanong requirements ang bestjobs di gaya ng odesk. Mostly it’s between the employer and provider lang ang usapan.

  11. I have friends who are into oDesk, and they are successful.

    Yes, authentic work at home jobs would not ask you for any money. And give at least one or two samples of your work. If its a graphic art, you could watermark it for it to be safe.

    Just be careful, there are ways for you to avoid scams. Just double check the company, and don’t be coy to ask about the company details. And search for forums regarding the company and their trade or products.

    Lets grab the opportunity to work online. Its such a blessing in these times of financial woes.

  12. Hi,,
    bago lang po akong nagtatry ng homebased job,actually me work ako na panggabi pero gusto ko ng extra kita eh,
    kaya baka next month makapagpakabit na ako ng internet,

    gusto ko magodesk,,
    tnx po sa mga tips nio,

  13. hi, nabasa ko po yung article nyo ’bout sa online jobs, and thankful ako kasi may mga taong gaya mong halos step by step nang itinuturo lahat ito sa kahit hindi mo kilala personally, ako I admit ang tagal ko nang gustong i try to, kaya lang since hindi ako gaya ng mga techie people out there medyo hesitant ako, ewan ko ba feeling ko baka makulong ako if ever mag join ako sa mga ganyan (hahaha feeling ignorant talaga), anyways salamat at may kagaya mo pa sa earth na willing mag share ng mga ganyang bagay sa iba… dumami pa sana lahi mo po. GodBless YOU.

  14. nung nabasa ko mga comment at article u parang nahanap ko na sagot sa tanong kong pano ko mag start magworking mom . pero parang di ko kaya. pharmacist ako pero ayaw muna ko pagworkin ng husband para sa mga anak. puede mo ba ko tulungan. gusto ko kasi matulungan parents ko e. ako lang kasi nakatapos sa min tapos di pa ko nagwowork , nakakaguilty di ba. pero na ka work na ko for 12 years.

    • Kung ikaw ang padadalhan ng pera ay wala kang kakailanganin kundi ibigay ang ilang personal na detalye gaya ng pangalan, email add, address atbp sa magpapadala. Kapag naipadala na sa iyo ang pera ay may matatanggap kang email mula sa Xoom sa bansang pinagpadalhan at meron uli na mula naman sa xoom dito sa pinas na nagsasabing ready for pick up na ang pera mo. Para di gaanong magkaproblema sabihin lang sa magpapadala na sa peso equivalent ito ipadala. Maraming nagpoproseso ng xoom dito gaya ng cebuana lhuiller at M lhuiller.

  15. hello po. interesado po ako sa home-based job. mayroong nag-introduce sa akin sa odesk kaya lang medyo komplikado ang ilang mga bagay-bagay doon. base sa mga nabasa ko dito, medyo madali sa bestjobs.ph.com lalo na pagdating sa pagkuha ng suweldo.

    interesado ako sa transcription job, part-time lang, dahil hawig diyan ang trabaho ko ngayon sa isang kilalang call center. nagta-type din ako ng mga audio files. i can type 90 words per minute at ang problema, sa bilis kong ‘yan, hindi ko alam kung magkano ang sasabihin kong rate ko sa magiging boss ko (since first time kong magho-home-based job at wala talaga akong kaalam-alam dito. salamat na lang at nabasa ko itong blog mo). hindi ko alam ang kalakaran sa ganitong uri ng trabaho, kung ilang dolyar ba ang bawat salita (kung doon iyon ibinabase ng boss). sana mabigyan mo ako ng idea tungkol sa rate.

    malaki ang kinikita ko sa trabaho ko pero malaki rin ang kaltas na sa totoo lang ay masakit sa matang tingnan ang payslip ko. pero sa hirap ng buhay ngayon, kailangan ko pa rin ng ekstrang kita para matugunan ang ilan pang mga pangangailangan.

    sa totoo lang, hindi ko na alam ang iba ko pang itatanong tungkol sa home-based transcription job kasi bagito nga ako sa larangang ito. sana ikaw na lang ang mag-explain sa akin ng mga bagay-bagay na dapat kong malaman. kung maaari, i-email mo na lang ako para kahit nasa office ako ay mabasa ko kaagad ang sagot mo.

    maraming-maraming salamat, sa’yo at sa pagkakatuklas ko ng blog mo. inaasahan ko ang kaliwanagan dahil sa magiging sagot mo.

    more power and god bless always.

    fiona

  16. Hi redfieryheart!
    Gusto ko din malaman detalye about sa Xoom. Sobrang interesado kasi ako sa oDesk at bestjobs at mamaya eh magreregister na ako. Pero gusto ko din makaiwas sa mga scams at mukhang ayos ang Xoom para sa payment. Pwede po ba pakiemail sakin details ng xoom if you dont mind. Kakaresign ko lang kasi sa work ko as call center agent 4yrs na din kasi akong call center agent at 4yrs na ding puyat. hehe. Thank you ulet at more power to you!

      • Hello. Interesado po ako sa mga ito. Actually di pa ako decided saan dito ang gusto ko talaga. Kung oDesk o bestjobs. Wala na po akong trabaho sa ngayon. Meron akong kunting pinagka-abalahan pero at this stage ay di pa gaanung makasuporta sa needs ng family. 4 years course po natapos ko, pero di ako concentrated dito. I decided to do online job instead. Di ko alam where to start here. Puede mo ako matulungan. Yung Xoom paano magregister nito? Thanks po.

  17. hi! matagal na po akong walang trabaho at nahihiya na ko sa parents ko kahit di sila nagsasalita alam ko nahihirapan na sila kaya interesado ko sa mga pinaguusapan nyong trabaho kaya lang po dahil sa hindi ko po alam kung paano at ano gagawin e wala po akong lakas ng loob.. tsaka pano pong portfolio yun? anong trabaho meron sa odesk? pwede po ba yung mga typing job lang at yung hindi kana kakausap ng mga kung sino-sino?

  18. hello po, interesado po ako sa onlinejobsph.com and bestjobsph.com … paki send naman po sa email ko yung step by step procedure on how i can join….nalilito po kase ako kung pano ko makakapagjoin duon…salamat po ng marami and gob bless

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s