Hanapbuhay para sa mga inang nasa bahay

workathomemomMarami sa mga inang naghahanapbuhay sa labas ng tahanan ay nakakaranas ng tinatawag na “guilt of a working mom.” Iyon bang nasa trabaho ka na pero ang isip mo ay nakatuon pa din sa iniwanang mga anak. Kung nakakakain ba ang mga ito sa ayos, nasa ligtas bang kalagayan at marami pang kaugnay na mga alalahanin lalo na kung maysakit ang anak na naiwan.

Kaugnay sa mga ganitong kalagayan, marami sa mga ina ang nangangarap na sila ay makapaghanapbuhay sa bahay, upang sa ganoon ay patuloy na masubaybayan ang mga anak at pamilya. Ngunit iilan lang ang nagkakapalad na matuklasan kung paano sila makakapaghanapbuhay ng nasa bahay lang.

Marami sa mga work at home mom (WAHM) ay nagiging produktibo sa pagtatrabaho sa bahay habang nakikita at nakakasama nila ang kanilang mga anak at alam nilang nasa ligtas na kapaligiran ang mga ito. Kapag sa bahay ka lang naghahanapbuhay ay nasusubaybayan mo ang iyong pamilya at nagagawa mo ang mga gawain na may kapayapaan ang isip.

Maraming magagandang bagay ang mararanasan ng mga inang sa bahay lang naghahanapbuhay:

  1. Hindi na kailangang gumising ng maaga para ayusin lang ang sarili pagpasok sa trabaho.
  2. Hindi na kailangang mahati ng malaki ang oras sa pag aasikaso sa sarili at mga anak.
  3. Hindi na kailangang makipagsiksikan sa mga bus, jeep o maging sa MRT para lang makarating sa lugar ng hanapbuhay.
  4. Walang gaanong pressure sa mahigpit na boss na lagi ng nasa likuran mo at nagmamasid.
  5. Ayon sa pag-aaral, napatunayang ang mga batang nakakasama ang magulang sa tahanan ay nagiging mas maayos ang kalagayang, emosyonal, sosyal, at maging sa akademya.

Ito naman ang mga dahilan kung bakit marami ang nagnanais na sila ay maging work at home mom:

  1. Nais nilang magkaroon ng mas malaking oras  at quality  time para sa kanilang mga anak.
  2. Nagsasawa na sila sa walang katapusang pagbibiyahe at pagsinghot ng todo-todong polusyon na hatid ng mga sasakyan at pabrika.
  3. Nababawasan ang pakiramdam ng guilt na kaugnay ng paghahanapbuhay malayo sa tahanan.
  4. Mas umiigting ang kanilang konsentrasyon at dedikasyon dahil sa pamilya.

Malaking bentahe talaga kapag may sariling computer at internet sa bahay, idagdag pa ang ilang teknikal na kaalaman at hilig sa mga gawaing kaugnay ng computer.

Tandaan na napakalaki ng posibilidad na makapaghanapbuhay sa loob ng tahanan basta wag lang tayong matatakot sa hamon ng bagong kaalaman. Wala namang hindi natututunan basta bukas lang tayo sa lahat ng pagbabago. At habang ikaw ay kumikita, nadadagdagan din ang ating kaalaman at lumalaki ang tiwala sa sariling kakayanan.

Para sa mga kaugnay na usapin basahin lamang ang mga sumusunod:

Advantage and Disadvantage of Homebased Jobs

Ano ang Magandang Paraan sa Pagkuha ng Bayad sa Employer

Finding Homebased Jobs through oDesk

Verification sa Paypal gamit ang oDesk card

About these ads

19 responses to “Hanapbuhay para sa mga inang nasa bahay

  1. pero sa panahon ngayon, kelangan nang magwork ng nanay at tatay.

    my mom was never a housewife.she’s always been a working mom and i’m really proud of her kasi nahati nya nang maayos ang time nya.

    nice post. :p

  2. hello redfieryheart,
    i am a mom of 2 children..a commerce graduate and a new licensed nurse… interesado po ako sa home based job kase hindi po ako makapagwork at walang magbabantay sa aking bunso…im particularly interested sa bestjobsph.com.. paki send naman po sa email ko ang step by step procedure on how i could join bestjobph para may mapagkakitaan naman po ako habang nasa bahay ako…your reply would be highly appreciated.. god bless

    • so sad na meron talagang mga ganyan. Ako nadale din sa isang lehitimong site pa…ng ireport ko e me mga nauna na daw palang reklamo at inalis na nila ang account. Maliban naman dun ok na ang mga sumunod.

      Gudlak, sana makakita ka din ng online jobs.

    • Hi, salamat sa pagbisita sa blog ko. Me portion sa gawing kanan kung saan magsasubmit ka ng resume. Kapag nakapasok na resume hanapin mo ung Job search at tingnan mo kung ano ang mga trabahong tingin mo ay kaya mo then apply na.

  3. Gusto ko po mag trabaho sa bahay para po maalagaan ko ang aking limang anak, sa malayo po kasi ako nag tratrabaho at kailangan ko pa umalis ng maaga para hindi ako ma trapik at hindi ma latem nakakapagod na rin po kasi ang ganung araw araw na ginagawa, sana naman po matulngan niyo po ako, at lahat ng trabaho tatangapin ko basta po trabahong nasa bahay lang po,

    • naiintindihan kita Angelie, ako nga na solong katawan e nagsawa sa pagiging industrial worker e, iisang site lang kasi ang napagkunan ko sa dalawang boss ko e at iyon ay ang onlinejobs.ph. Ang unang tanong lang, ano ba ang kaalaman mo pagdating sa computer? magbabatay lahat ng trabaho mo sa paggamit nito e at ikaw ang makakaramdam kung kaya mo ba ang trabahong aaplayan mo. Usually basic Word at Excel okay na kasi either content writing ang mapasukan mo o data research and encoding. Pero ipinapauna ko na din na di na ganoon kadaling humanap ng online jobs…dami mong aaplayan wala man lang sasagot pero go lang ng go. at isa pa…wag na wag kang papatol sa mga may babayaran pa para lang makapag apply ka kuno ha. Kahit singko wala akong binayaran sa dalawang successful apply ko.
      Try mo ding magsearch ng ibang online jobs sites….good luck!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s