Ang misteryo ng sementeryo

cemetery

Bakit ba sukatan pa din ng katayuan sa buhay ang itsura ng mga nitso hayyyy,,, pantay na ang mga paa pero me diskriminasyon pa din. Kapag walang-wala talaga asahan mong kundi secondhand na puntod e ung nandun naman sa 4th o 5th floor na. Iyon bang halos hindi na maisuot ang ataul sa sobrang taas ng pinaglalagyan.

Pero nanlumo ako sa nangyari sa Zambales noong baha kung saan nawasak ang sanay huling mapayapang hantungan. Lumutang ang mga ataul, ang iba ay me laman at ang iba ay wala na. Nakikidalamhati din ako sa mga namayapang hindi na kailanman nakita ang mga katawan, iyon bang biktima ng karahasan at political assassination.

Daming nag-aari ng lupaing wala pa sila ay nandiyan na at wala na sila ay nandiyan pa, samantalang ang dulo lang naman ang ating kailangan ay isang dipang lupang me anim na talampakang lalim.

Naalala ko pa ang kanta ng lola ko nung bata pa ako na me kaugnayan sa undas.

Kami po ay kaluluwang tambing

Sa purgatory galling

Doon po ang gawa po naming

Araw gabi manalangin.

 

Kakamiss sila, sana totoong magkakakilala pa ang lahat kapag nasa kabilang buhay na….

4 Comments

  1. 1

    wow..natuwa ako dun sa kanta ni lola…

    Kakamiss sila, sana totoong magkakakilala pa ang lahat kapag nasa kabilang buhay na….

    ito ang misteryo…kasi di pa natin alam kung mangyayari ang wish mo…

  2. 2

    one thing’s for sure, there is life after death

    and.. habang may buhay..may pag-asa pa

    musta ka na ate red?

  3. 3
    red Says:

    Flamin bro
    Sabi ko na wag muna akong iintroduce sa farmville ayan mejo addict na din nyahahaha


RSS Feed for this entry

Leave a Comment