Yes, Efren Made It!!!

Wow nanindig ang balahibo ng batok ko at nanlaki ang tenga ko ng madinig sa balitang ang itinanghal na CNN Hero of the Year ay si Efren Penaflorida. Tagumpay!!

Hindi ako kailanman naging fan ng kung sinong celebrity lang. Ngayon ko lang ginawa sa tanang buhay ko ang mag- advocate para sa isang tao. Itinulak lang baga ng inspirasyon.

Salamat sa mga nahikayat kong bumoto para sa ating kababayang si Efren. Ang tagumpay niya ay isang tunay na inspirasyon.

Cheers!!

Efren Penaflorida – Bayaning Pilipino

Efren PenafloridaNaagaw na naman ang atensiyon ko sa balita ng isang kabayanihan. Buhay na kabayanihan ng isang simpleng tao na me napakalaking adhikain. Nakakainspired lang.

Si Efren Penaflorida ang aking tinutukoy, ang Pilipinong bumabandila ngayon bilang isa sa Top Ten CNN Heroes. Mula sa ilang daang kalahok mula sa ibat-ibang bansa para sa kategoryang ito, nasala siya at pumasok sa mataas na posisyong ito upang pagbotohan at mapiling CNN Heroes. Sa kabila ng madungis na pulitika sa ating bansa, nakakatuwang me mga magsusulputang ganitong balita. Pagkakawang-gawa at selflessness para makapaglingkod lang sa kapwa.

Hindi ko pa kaya ang ganitong paghahandog ng sarili kaya pagsaludo na lang muna ang aking gagawin at kaunting adbokasya upang maiangat pa sa natatanging posisyon si Efren.

Si Efren ay lumaki sa Cavite City, kung saan nakaranas siya ng pambubully ng mga gang members. Ngunit sa kabila nito ay pinilit pa din niyang makapagtapos ng pag-aaral. Labing anim na taon pa lamang siya ng itatag ang Dynamic Teen Company  (DTC) bunga ng labis na pagsasaalang-alang sa mga out of school youth. Sa pamamagitan ng karitong kanilang itinutulak ay tinuturuan nila ang mga batang lansangan sa Cavite tuwing araw ng Sabado. Sa loob lamang ng isang dekada ay umabot na sa 10,000 ang kanilang miyembro at nakapagturo sa humigit-kumulang 1,500.

Ngayon hingi lang sana ako ng kaunting oras upang maiboto natin si Efren. Isang napakalaking karangalan ito para sa ating bansa at tiyak na makakapag inspire ng maraming tao. Natutuwa din ako sa pagiging humble niya kasi hinihikayat niya tayo na silipin din ang profile ng iba pang kalahok dahil inspiring daw talaga.

efren4

Good news kasi walang limit ang boto, kahit maghapon mong iclick ang VOTE ok lang make-credit lahat sa kanya iyon.

Bad News kasi hanggang November 19, 2009 na lang ang botohan kaya samantalahin na natin mga kapatid.

Isang pagsaludo sa buhay na bayaning Pilipino!

Vote here