Araw ng mga Puso o mas kilala bilang Valentine’s Day ay ipinagdiriwang tuwing ika-14 ng Pebrero. Maraming mga bansa ang nakikiisa sa pagdiriwang ng romantikong araw na ito.
Saan nga ba nagmula ang pagdiriwang ng Valentine’s Day? Marami ng nagpasalin-saling kwento hinggil dito, 3 ang kinikilalang St.Valentine at ito ay kasing tagal na ng 270 A.D. Sa pagitan ng pagtutunggali ng isang mabait na pari at ng isang malupit na lider ng panahong iyon. May pagdiriwang ang mga ‘Pagano’ para sa pagdiriwang ng “Fertility’ tuwing ika 15 ng Pebrero at noong 496 A.D., si Pope Gelasius ay gumawa ng paraan na ma-divert ang pagdiriwang na ito. Itinakda niya ang Pebrero 14 para sa kapistahan ng martir na Romanong paring si St. Valentine. Sa katotohanan, ang araw na ito ay ang araw ng libing ni St. Valentine.
Kapag ganitong araw ang mga bulaklak lalong lalo na ang mga rosas ay napakabili, bumabaha ng chocolate maging ng mga greeting cards. Di lang magsing -irog ang nagbabatian kundi maging ang mga magkakaibigan na din.
Ngunit paano nga ba magdiwang ang taong nahagupit ng krisis? Na bago bumili ng daan-daan o minsan pa nga ay libo-libong halaga ng bulaklak ay ibibili na lang ng makakain ng pamilya. Pero nga pare at mga mare, wag nating pabayaan na ung pagpapadama ng ating pagmamahal ay mabalaho lang ng kahirapan. Materyal lang ang mga bulaklak, chocolate at cards, ang mahalaga e kasama mo at me bonding kayo ng mahal mo ngayong araw na ito.
E ano kung kornik lang at tubig na malamig ang baon niyo sa park? E ano kung bisikleta at di kotse ang sinasakyan niyo? E ano kung naglalakad lang kayo, ang mahalaga ay masaya kayo at sabihin mang korni para sa iba, E ANO?
Malamang bago niyo mabasa ito e tapos na ang Valentine, pero di naman kailangang tuwing Valentine lang tayo maging romantiko at malambing. Napakaganda na nasasabi at naipapadama natin sa anumang sandali ang pagpapahalaga sa mga taong mahal natin. Ako nga, me morbid ba akong naiisip na baka kinabukasan di na ako magising kaya lagi kong sinasabing “I love you” sa aking karelasyon, at least mawala man ako sa mundong ito kinabukasan, ang huling narinig niya mula sa akin ay ang mahal ko siya.
hmmm …..oo nga naman…sabihin at gawin na ngayon ang dapat..kasi ang bukas di natin hawak..
happy kapuso day sa iyo, kaibigan. Bisitahin mo rin site ko…bluguy…salamat ha.
Nagulat ako dun a, di ko akalaing me makasilip agad nitong unang blog ko dito. sure kapatid bukas sisilipin ko blog mo mejo duling na lang ako sa antok ngayon e hahaha. You are my first visitor.
God bless
^_^ cute po ng blog po ninyong ito.
Sana po patuloy pa po kayung magsulat .
kasi po nakatutulong po kayu.
salamat poh kasi nakakuha ako ng impormasyon para sa ipapasa ko
sa filipino teacher koh.
GOD BLESS poh ^_^
You are always welcome at hanggang me oras ako magsusulat ako.
🙂 hahai salamat… po sayo kasi meron na akong ipapasa sa ap teacher ko…………… yehey……
sana makapagsulat ka pa ng marami……..
ang pagpapakita ng pagmamahal ay kailangang araw-araw…actually para akong si st. valentine, kc ang araw na ito ay nagdulot sa kin ng alaala ng pighati…dati ayoko dumating ito kc may naaalala akong nakaraan n talaga namang napakasakit…pero ngaun pilit kong pinapalitan ng magandang alaala ang araw na ito….naaalis din ang sakit sa pagdaan ng panahon…napaghihilom din ito ng totoong pagmamahal. mabuhay ka, naipaabot mo s kababayan nating nasalanta n kahit kornik ok na basta magkasama…
Nakakarelate ako sa pagbabahagi mo…may ilang panahon din akong ganyan. Kapag kasi ang lalim na ng emotional investment natin mas masakit na ung haplit ng pait kapag dumating na ung realisasyong di na talaga pwede pang ipagpatuloy ang ugnayan…Happy Valentines!
Ako din nakaka relate ahahah!!thanks sa kwentong malupit!!ehehe
Welcome to the club hahaha!
ang ganda naman,