Advantage and Disadvantage of Homebased Jobs

Habang dumarami ang tanggalan ay lalo namang tumitindi ang pangangailangan sa homebased jobs o outsourcing. Ito ang mga trabahong kinukuha sa ibang bansa para tugunan ang pangangailangan ng mga empleyado sa pamamagitan ng online jobs (virtual jobs).

Kanino beneficial ang iskemang ito?

Sa panig ng mga naghahanap ng empleyado o tawagin nating mga ‘boss’, ito ay benepisyal sa kanila dahil sa mga sumusunod na punto:

1. HIndi na nila kailangang mag-expand ng opisina o magrenta ng isang mas malaking lugar para maaccomodate yung mga dagdag na taong kailangan nila.

2. Hindi na kailangang bumili ng mga gamit gaya ng computer, mesa at iba pa at magbayad ng extra para sa kuryente etc.

3. Magbayad para sa benepisyong gaya ng mga vacation leaves, sick leaves, faternity at maternity leaves at kung anu-ano pang leaves ng isang aktuwal na manggagawa.

4. Wala silang imemaintain at tatapatang Social Security System at mga retirement o resignation benefit.

5. Kaya nilang baratin yung mga kukuning virtual na manggagawa. Halimbawa ay $10 per hour sa bansa nila ang bayaran, dito sa outsourcing ay maaaring makuha sa $3 o mas mababa pa sa parehong output o mas mataas pa.

Sa panig naman ng mga naghahanap ng homebased jobs o tatawagin nating provider, ito ang mga beneficial sa outsourcing:

1. Malaya kang magtrabaho sa comfort ng bahay mo. Sabi ko nga kahit na kagigising mo pa lang at dehins ka na naggoli at nagtutbras e pede ka ng magwork (pero di po ito base sa experience ko ha wahhhh). Di mo na iisipin yung susuutin mo sa opisina at paano ka mag aayos o magpapaganda pa.

2. Di ka na gigising ng maaga para mag-ayos ng sarili at makipagsiksikan sa mga taong kasabay mong sasakay ng bus araw-araw at sisinghot ng polusyong mula sa mga tambutso at yosi ng mga walang disiplinang kasabay mo sa bus.

3. Saan ka makakakita ng trabaho na pwede mong itaas ang mga paa mo habang nagwowork o kaya e non-stop kang kumain o di kaya naman e maghapon kang nasa harap ng TV but you are still working hehe.

4. Tanggapin na nating kahit pa binabarat tayo ng mga ‘boss’, pero dahil sa dollar ang bayad e mas okay pa din at higit na malaki kesa sa minimum natin dito. Halimbawa sa akin ngayon, binabayaran ako ng boss ko ng $225 sa 30 hours per week na work. Ibig sabihin e 6 na oras sa limang araw lang na trabaho me di bababa sa P10 thou na ako. Magkano ang minimum natin ngayon sa Pilipinas? P7 thou isang buwan sa 8 oras na work at 6 na araw sa isang linggo. Ibabawas pa natin ang gastos sa pamasahe, at pagkain. Siyempre sa bahay kahit ano lang jan pwedeng kainin na di iintindihin kung sisinuhin ka ba ng kasama mo kahit tinapa lang ang ulam. Magkano na lang ang matitira? E kung babae ka at sa department store pa, additional na gastos din ung makeup at stockings ba, siyempre pati cologne.

5. Eto pa ang maganda, sa trabaho dito sa opisina o pabrika, bago mo maiuwi ang iyong kinita e halos kalahati nakuha na ng tax at iba’t-ibang bayarin. Dito sa homebased e neto un, ang tanging maaalis lang e ung processing fee sa dadaanan ng bayad like Paypal o Payoneer o Moneybooker kaya. Maximum of $5 lang un. So okay di ba, tax free hahaha. At malabo pa itong makita ng ating gobyerno para tax-an dahil di niya kayang imonitor ang mga ganitong uri ng work. Di gaya ng nasa call center na  me office kasi.

6. Dito pa sa homebase, maaari kang kumuha ng kahit ilang work hanggang kaya mo (siyempre part time na iba) o kaya e me ibang gagawa para sa iyo. Para bang subcontractual  na ikaw naman ang amo. Pero wag naman niyong gaanong baratin ung makukuha niyo ha, tutal sila naman ang maghihirap sa paggawa.

7. Wala kang boss na laging nasa likuran mo para bantayan ang iyong mga ginagawa. Di ka na maasar sa sipsip mong katrabaho. Hindi ba at ang gaan at masarap ang ganitong working condition?

O ngayon sabihin niyo, aayaw pa ba kayo sa ganitong work? sabi nga sa kapampangan e “seselan na ka mu?” hahaha.

Pero ang gaganda ng patotoo ko no, it is too good to be true. Wala bang negative working homebased? Sa totoo lang e meron din naman pero mas marami ung beneficial talaga. Narito ang ilan:

1. Mag-ingat sa mga among ang daming pangako. Natural na umasa tayo at matuwa sa magandang offer pero maging maingat lang. Laging maliwanag kung paano ang bayaran. Dapat malinaw sa pag-uusap yun at kung paano ba, weeky, bimonthly o monthly. Karapatan nating alamin lahat ng ito kasi dito tayo maniniguro.

2. Me mga ‘boss’ na me kalokohan, baka monthly ang usapan niyong bayaran at tuwang tuwa tayo kasi malaki pero fly by night pala. after a month of hardworking, suma total di ka binayaran. kaya mainam pa din ang weekly, magkalokohan man e isang linggo lang ang iiyakan mong nawalang trabaho.

3. Me mga ‘boss’ na mahigpit masyado, me mga software na ipapagamit to strictly monitor you. Walang problema kung nakaset naman tayo sa ganun. Pero me mga boss na nagbibigay ng flexible time. Basta mabuo lang ung pinag-usapang oras sa isang linggo e okay na at di na need monitoring. Salamat at ang boss ko ngayon ay ganun kaya ganado akong magwork sa kanya.

4. Sa mga sobrang istrikto naman at parang buong kaluluwa na niyo ang binabayaran e nasa atin na lang kung kakayanin pa natin ang ganitong pressure. Mahirap ang buhay sa Pinas pero wag naman sana natin maramdamang para na tayong alipin sa pagwowork.

5. Ito ang pinakamatinding negatibo dito, ang kasiguruhan sa trabaho. Napakadalang kang makakita ng work na magtatagal ng taon, usually mga weeks o months lang at di mo na alam kung saan manggagaling ang susunod mong sweldo. Humihigpit na din ang kompetisyon at marami ng nakakatuklas na handang makipagbaratan ng sahod makuha lang ang work.

6. Hindi gaya ng mga karaniwang empleyado, sa work at home jobs ay walang mga benepisyong gaya ng paid holidays, bonuses, 13th month at hospitalization. Iilan lang ang employer na nag-aalok ng 13th month o paid holidays at kadalasan ay nasa pag-uusap na ninyong dalawa iyon.

Me isang suppose to be employer akong pinrangka the other day e. Nag-email ba naman at ang sabi e bibigyan ako ng $250 a month at dapat e di na ako hahanap iba work sa kanya lang. At me time monitoring pa. Sabi ko, mahirap ang buhay sa Pinas pero di din ako mabubuhay sa ipapasahod mo lalo at di ako hahanap ng part time, akin pa ang computer, internet at kuryente. I decline your offer sir. Yun ang sagot ko. At least maramdaman naman nila ang sentiments ng gaya natin na parang ginagawa naman tayong parang mga aliping sahuran lang. Buti kung makakabuhay ung offer, e hindi naman.

7. Kailangang madisiplina natin ang sarili sa pagwowork homebased.  Kasi magiging subsob na tayo sa harap ng computer at ung galaw ng katawan natin ay limitado na. Maaring maging obese tayo o abutin paglalock ng mga joints. We need to maintain a regular excercise habit. Pilitin natin kundi gustong tamaan agad ng arthritis at iba pang related na sakit and of course to stay our body fit.

8. Hindi gaya ng sa opisina sa labas, mas madami ang abala at interruption sa homebased job. Nanjan si bunso na mangungulit at need palitan ng diaper. Lunch time na at kailangang pakainin ang mga bata, gumawa ng house chores at iba pa.

9. Lastly, kung sanay tayo sa manual na work at kahalubilo ang madami at iba’t-ibang klase ng tao e maninibago tayo dito. Maaring maging monotonous at mainip tayo sa maghapong computer lang ang kaulayaw. So, take a walk and  wag kalimutan ang social life para di mabagot.

Me pahabol ang kaibigan kong si Tuesday. Galing sa kanya ang tips na ito.

Add ko lang na sa bestjobs you also have to be selective when choosing an employer. Any offer that sounds too good to be true (”Earn 1000 dollars/wk”), or asks for a joining fee is a scam.

1. check their email address (google it)
2. check their postal address as well.
3. don’t accept jobs with too little pay.
A $1/hr rate is really not fair anymore in this economy.
4. employers that are too ’strict’ and ask you to
NOT work for anybody else. Kaya nga freelancer walang boss!

Thanks for the wonderful tips Tues.

Next topic po e kung paano mag-apply sa homebased job.

Para sa mga kaugnay na usapin basahin lamang ang mga sumusunod:

Ano ang Magandang Paraan sa Pagkuha ng Bayad sa Employer

Hanapbuhay para sa mga inang nasa bahay

Verification sa Paypal gamit ang oDesk card

12 responses to “Advantage and Disadvantage of Homebased Jobs

    • hahaha will we take that as positive comment? Can I hear your opinion regarding this para naman mashare natin dito. HIndi ko pa naririnig ang comment ng ibang provider and I will be glad na mapag-usapan din natin. Yan ang next topic ko at salamat kapatid sa pagbisita sa blog ko sana maringgan pa din kita ng mga susunod na comment.

  1. Pingback: Natanggal ka ba sa trabaho? « Satiriko ng buhay

  2. Darren mejo kumplikado nga talaga ang odesk readiness test at kundi mo tututukan ay mahihirapan ka. meron akong site na irerekomenda na di mo na kailangang pagdaanan lahat yan. Magpasa ka lang ng resume sa bestjobs.ph.com mostly ay mga writing jobs ang need dun pero kung me iba ka pang alam ay hanapin mo lang kung saan ka nrarapat sa mga pagpipiliang trabaho.

    Goodluck ay magparamdam ka lang kung ano pa pwede kong itulong

    • writing jobs ay kinapapalooban ng mga trabahong umiikot sa blogging, sa article writing at iba pang research work. Need kasing maupdate ang mga site regularly at di na magawa yun ng mga site owner kaya ipina a outsource na lang ang work.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s