Taksyapong Congressman

isdaan

Noong isang araw, matapos akong daanan ng aking net friend na si Lhony at partner niyang si Marvin dito sa Luisita, tumuloy kami sa Isdaan dito sa may Gerona. Sikat ang floating restaurant na ito dahil sa kanilang TAKSYAPO WALL na kung saan ay pwede kang maghagis ng kung ano ano doon depende sa galit mo at laman ng iyong bulsa hehe. Ang pinakamura ay ang kanilang babasaging plato na dati ay P10 di ko naitanong ngayon kung magkano na. Kung todo ang galit mo, aba ay wag moong pigilan, me TV doon na pwede mong ihagis kung me P1200 ka pataas. Pero hula ko lang ha, malamang di mangalahati ang distansiya ng ihahagis mo sa pader na dapat hagisan sa bigat ng TV hahaha. Pero gumagana pa daw ang mga ito, mukhang surplus o black and white yata ung marami doon.

Bungad ng Isdaan

Bungad ng Isdaan

Taksyapo wall, di ko pa narerelease galit ko nun e hehe

Taksyapo wall, di ko pa narerelease galit ko nun e hehe

Kaming 2 ni Lhony sa loob ng Isdaan

Kaming 2 ni Lhony sa loob ng Isdaan

O siya, awat muna sa TAKSYAPO WALL at ituloy ang kainan.  Halos alas dos na din kami nakarating doon kaya nga ang lokohan e sobrang pagwewelga na ng mga bituka ang nangyari at malamang yung maliliit ay nakain na ng malaking bituka sa gutom. Si Marvin ang sanay na sanay sa lugar na iyon at kakahiya mang aminin, kami ng partner ko ay nakapag stay lang doon na ang inorder ay halo halo at mango shake. For the sake lang ng piktyur piktyur. Si Marvin na ang umorder ng aming kakainin, adobong sinugba, isang buong manok na sinugba, inihaw na tilapia at kinilaw na talaba. Whew kakalula talaga! kadami ng

sayang di nakunan ung mga pagkain nyahahaha

sayang di nakunan ung mga pagkain nyahahaha

mga ulam pero ang kanin matatawa ka. Isang kalderong maliit na kung tutuusin ay kayang kayang ubusin ng isang tao ang lamang kanin. Yun ang pinagkasya namin sa sangkaterbang ulam. Ang suma total, wala pang one third ng ulam ang aming naubos.

Uso ang nanghaharana sa iyong mga grupo habang ikaw ay naroon at kumakain. Sa halagang P20 isang kanta ay matutuwa ka naman na sa mga gimik nila.

Eto po ung talagang mga kasama ko si Lhony and partner Marvin

Eto po ung talagang mga kasama ko si Lhony and partner Marvin

oH ha me panama ba kayo dito

oH ha me panama ba kayo dito

Ang unang humarana sa amin ay parang mga waiter ang damit na me helmet, hummm nakalimutan ko ang kinanta ah. at ung isang grupo naman ay nakafilipiniana na ang gusto sanang ipakanta ni Marvin ay kanta ni Britney Spears na Womanizer. Siyempre hindi daw alam hehe. Silayan ang kinanta ng grupong ito na pinangakuan ni Marvin na ilalagay niya sa youtube, na may pamagat na Silayan, Isdaan daw. Sige nga malaman kung seryoso ang mama sa kanyang pangako.

Ipinabalot namin ang mga natirang ulam at bago kami umalis, kami ay binulabog ng ingay  at alikabok na umalimbukay sa paglanding ng isang helicopter. Saglit lang iyon pero ginulo kami. Maya-maya ay umabot na sa amin ang balita na ang sakay ng Copter ay si Congressman Golez o Gomez, basta ganoon ang tunog. Kasama daw yung isang contractor.  Hayyy, ayoko na sanang maapektuhan ng politika pero di namin maiwasang di pag-usapan. Ang magaling na congressman, para lang kumain sa Isdaan ay nagpahatid sa copter. E kundi ako nagkakamali, di bababa sa P30, 000 ang wala pang isang oras na andar ng copter e. Whew laking pera! Hala si contractor daw ang nagdala kay congressman doon.

Hummmm, me naaamoy akong niluluto hehe, pero di galing sa isdaan ang putahe.

2 responses to “Taksyapong Congressman

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s