Ang ulo ng Leon bow!

Magmula ng maging delikado sa biyahero ang Kennon Road papuntang Baguio, napakadalang ko ng makita ito. Bawal na kasi sa mga bus na dumaan dito at maging sa malalaking truck. Madalas kasi ang landslide dito maliban pa sa mas matatarik at makikitid ang daan dito. Ngunit mas makakatipid ka ng halos kalahating oras kung sa Marcos Hiway o Naguillan Road kayo dadaan.

Si Lhony at ako (pakihula na lang po wahhhh)

Si Lhony at ako (pakihula na lang po wahhhh)

Nang ichat ako ni Lhony at sabihing sila ay pupunta ng Baguio ng kanyang partner na si Marvin, ako na ang nangulit na sumama sa kanila paakyat ng Baguio at doon na lang kami maghiwa-hiwalay. Bakit nga ba hindi ay noon lang kami magkikita ni Lhony. Siya yung tinutukoy kong tumulong sa paggawa ko ng profile sa oDesk at nag-angat ng moral ko hehe. Sabi ko ay magkahuntahan man lang kami habang daan para naman makapag-usap ng personal kahit saglit. Mabuti at pumayag naman si Marvin na isama ako.

hanep sa posing o hehe

hanep sa posing o hehe

Natuwa ako sa dalawang iyon dahil sa dami ng pwedeng pagkwentuhan at sa dami ng karanasan ni Marvin ay hindi naging kainip-inip ang aming byahe. Mabuti at sa Kennon niya piniling dumaan. Namimiss ko na din ang daang iyon. Bagama’t hindi na din mabilang ang pagpunta ko sa Baguio ngunit iilang pagkakataon pa lang na kami ay  madaan doon.

Sinamantala namin ang pagkakataon at nagkodak-kodak ba. Hiniram ko yung MP5 nang pamangkin ko at nakikuha kuha na din. Laking panlulumo ko lang dahil ng isalin ko ito sa computer kahapon, sa di maipaliwanag na dahilan ay hindi nasave at dahil dinelete ko na sa MP5 umasa ako na nasa recycle bin lang ito. at sa aking paghihinagpis, di pala nasasala ang mga daling sa removable disk.

Nandiyan kami promise

Nandiyan kami promise

Lhony at Marvin

Lhony at Marvin

Mabuti na lang at naipadala na ni Lhony yung ilang kuha namin para maibahagi ko naman. Nakarating kami ng Baguio pasado alas-sais na ng gabi. Pagkadaan namin sa Teacher’s Camp upang daanan si Loralie na kaibigan ni Lhony ay nagtuloy na muna kami sa hotel na tutuluyan nina Marvin. Pagkatapos noon ay naghapunan kami sa gilid ng Burnham park at ako ay nagpaalam na. Ayokong maging sagabal pa sa lakad ng dalawa. Alas 9 ng gabi ay pabalik na ako dito sa amin.

Silipin din

Sa tuktok ng Pinatubo

8 responses to “Ang ulo ng Leon bow!

  1. hmmm…nakakamiss ang umakyat sa Baguio….dati kasama yan sa summer ritual ko….matagal na rin akong di nakadaan ng kennon road…ang bus kasi sa kabila ang daan.

  2. mula nang isinama ako ng ate ko paakyat ng Baguio, indi na pinapayagan nun dumaan sa Kennon…indi pa kami nagkikita ni Leon.😦

    sana sa pagbabalik ko, magkita na kmi.🙂 nakakamiss ang baguio in fairness.

    bumibisita🙂

    • Naku aling baby kapag napunta kayo dun at sarili niyo ang sasakyan hilingin ninyong dun dumaan. At tinitiyak ko na matutuwa din kayo. Kpag maulan lang naman mejo delikado e. Ingat po at salamat sa pagsilip sa blog ko.

  3. hahaha… ate super bida ba naman kami dito?! hahaa… we had a good time with you too.. naaliw din kami ni marvin sa kung ano anong chikka.. hahaha…
    Hope to see you again te…
    God Bless!

  4. hola! nagkita din kami ng Leon na yan…nagbaguio kami ni hubby on motorcycle (2008).. o ha! sakit sa pw*t pero masaya naman… musta na lang sa inyo jan..regards to tita nida!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s