Nagawi na ba kayo sa Moriones?

Noong isang araw ay ‘ash Wednesday’ na. Nagsabi ang partner ko na magisisimba daw siya at siyempre umuwi (sa kanila po di dito sa amin hehe) na me krus na abo sa noo. Naalala ko lang noong mga limang taon na din siguro ang nakakaraan ng ako ay magawi sa Marinduque ng mahal na araw. Siyempre sikat iyon sa Moriones Festival at gusto ko din namang masilip kung ano ba meron doon.

unang sakay ko po ng barko ito

unang sakay ko po ng barko ito

Pero sa totoo lang, ang talagang excitement ko e di yung morion, bonus na lang yun, yung pagsakay ko po sa RORO ang highlights ng aking adbentyur dun hehe. Kahit ba 4 na oras lang mula sa Lucena hanggang Marinduque e at least naexperience ko nyahhaha!

tweety-bird606

sagwa ng hilatsa ng mukha hehe

sagwa ng hilatsa ng mukha hehe

Nalibang ako sa piktyur piktyur ng mga nakamaskarang moriones sa aking celfon na 6600. Hala ng panahong iyon ay medyo siga ka na kapag me 6600 kang celfon. Hindi naman ako binigo at kahit paano ay nakapag-uwi ng konting subinir. Maliban sa maskara painting na dinaluhan namin sa halagang P25 meron ka ng kaunting pintura na maaaring magamit sa blankong maskara. Me kontes nun na ang premyo ay mula sa Globe. Well, nasilip naman at nadaanan ng mga judge ung gawa ko pero hindi pumasa hehe. Malay ko ba sa color mixing, basta ang alam ko lang e lagyan ng itsura ang damuhong maskarang iyon.

eto po ung maskara painting

eto po ung maskara painting

ang itsura ng matapos

ang itsura ng matapos

tweety-bird6331

siyempre makikigulo din

siyempre makikigulo din

Ang parada nila ay nakita ko pero ang talagang palabas kung saan me putulan ng ulo (nyayyyy!!) sa plaza ay di ko nakita kasi ay mahirap ang sasakyan sa bayan at me kalayuan doon ang tinutuluyan kong bahay.

ito ang pinakacute na morion na nakita ko wanabet?

ito ang pinakacute na morion na nakita ko wanabet?

kanya po ung maskara ipinagamit lang sa akin hahaha

kanya po ung maskara ipinagamit lang sa akin hahaha

kahit po sa beach ay umiikot din sila

kahit po sa beach ay umiikot din sila

ako at ang Marinduque bow!

ako at ang Marinduque bow!

Kaya magkasya na lang tayo sa pagtingin sa kaunting piktyur.

8 responses to “Nagawi na ba kayo sa Moriones?

  1. pagnagbabloghopping ako…o kaya pag mag nagcomment sa akin…tinantanong ko rin ang url nila sabay sabi add kita…o kaya sometimes when your leave a comment at binista ka rin at they leave their comment …ibig sabihin they have interest in your blog…ganun…frequent visit and comments makes you connected with one another,,,,malalaman mo naman from your dash board kung sino ang frequent visitors mo.

    • Tingin ko un nga ang kulang sa akin kaya di ako makapenetrate sa community. Kasi di ako aware sa trafficking and scratching our backs e. It’s a nice thing at lagi ko nga sinisilip ung mga nasa blogroll mo kapag me nagparamdam e iaadd ko din. Thanks sa advice.

  2. tama po masaya po sa marinduque at tga dun po ang b.f q kaya naranasan ko po magpunta dun at manuod ng moriones festival. exciting nga po dahil kasama q po ang b.f q and ofcourse ang nanay at tatay namin i mean family ng b.f q hehe.. masaya talaga sa marinduque maganda na ang kapaligiran fresh air pa. kaya po sa mga nd papo nakakapunta dun punta na po nd kayo mag sisi. babalik at babalikan nyo pa po tnx po..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s