Hay naku, hirap magreperi oo!

Ipinagamit ng partner ko yung ym niya kasi me ipinaayos na transaksiyon habang nasa biyahe siya. So malinaw na di ko ID ang nakabalandrang online. Pero binuksan ko din yung aking Yahoo mail para makapagbasa.

Aba me nakita akong nakikipagconfe sa akin sa yahoo mail, ennnngggg, di ako pamilyar sa feature na iyon, e dahil si bunso (MJ) ang nakita kong nangungulit aba e pinatulan ko na.

Bunso: Ate galit na galit ako… sabay yung icon na umuusok

Ako: O kanino naman…Bunso: kay toybatch, I hate him… Nag-isip ako, me kaugnayan kaya ito sa pm ni toy sa ID ng aking partner kanina?

Toy: Ate hindi kayo yung iiwan ko, yung iba lang na kasama nating plastic…Ako: tol toy, si Red ito pinagamit lang sandal ng ate mo ang id niya…Toy: ganun ba, nasan na siya?…Ako: nasa biyahe…. Toy: basta pakisabi nandito lang ako ha, magpapahinga lang ako.

Yun ang inabot ng usap naming ni toy kanina. Ang ginawa ko ay isinara ang ID ng partner ko at yung ym ko ang inonline. Siyempre kanino pa ba ko babalik kundi kay MJ uli.

Bunso: of all people siya pa, sasabihin niyang kapatid niya ako tapos mang-iiwan siya sa ere syet!… hehe pamilyar na sa akin ang lutong ng ganoong mura niya kapag galit. Hirap talaga kapag yung tupa e maging dragon.

Sa kalaunan ay nalaman ko ding nagsimula ang lahat sa pag-alis ni Toy sa site ni MJ. Dahil lang sa post nito na diumano’y walang ‘pumansin’. Naghinampong pururot na umabot sa pagtalikod ng mama sa kanyang mga naging kaibigang ‘plastik’ daw, ang pagkakamali ng loko ay yung iwidrow niya ang sarili sa site nang kanyang itinuturing na kapatid. Kakalungkot kasi alam ko at saksi ako kung paano magturingan ang 2 ito kahit nga sa net at OFW 48 lang sila nagtagpo. Hindi naging dahilan na chatters lang sila. Panay ang tanggi ni Toy na sina MJ at ang partner ko ang iiwanan niya pero syempre, maiaaalis mo ba kay bunso na di umusok sa galit e nadamay ang site niya at sabi nga niya ay para siyang sinampal.

Maaaring me mga personal silang dahilan pero ang di maganda yung malamatan ang ilang taon na din naman nilang pagiging ‘magkapatid’. Mahirap magalit si MJ, siya ba yung taong ibibigay lahat ng atensiyon at care sa iyo pero kapag nasaktan, nagsasara at limot limot na lang. Ang ugaling iyon ang inaalala ko, paki ko ba sa kanila e di ko pa naman sila namemeet, pero di ganoon e, apektado ako.

Pareho kong kinausap yung 2 at pilit namagitan (siyempre role ng ate Red yan e hehe) pinakiusapan ko na lang ito na wag naming isara ng tuluyan ang loob kay Toy at si Toy naman e sabi ko gawin niya lahat para di masira ung friendship. Sabi ko nga tanggapin man niya at hindi kanya ang pagkukulang ngayon. Sabi ng MJ e susubukan daw niya di lang ngayon, well, mas okay na yung ganun kesa sa talagang sarado.

Ano ang moral lesson ng nangyari? Wag pong magpadalos dalos sa mga desisyon, minsan natatauhan lang tayo kapag matindi na ang reaksiyon ng mga taong nasaktan natin sinadya man o hindi. Hindi ko mamaliitin ang friendship sa net, minsan mas malalim pa ito kesa araw araw na magkasama at sana matuto din tayong magpatawad, tao lang e nagkakamali din po.

8 responses to “Hay naku, hirap magreperi oo!

  1. agree ako sa tinuran mo kaibigan….sana nga lang matuto talaga tayo lalo na sa pagdating sa friendship….
    ang net kahit virtual sya….ay naglalaman din ng mga taong may ginintuang puso……

  2. dati di ako naniniwala sa ganyan palibhasa bago lang ako sa internet at medyo ignorante pa talaga pero sa sandaling paglublob ko dito ay di ko mapapasubaliang totoo nga. kahit ang relasyong virtual ay wala na din akong masabi. I wish maayos na ang dalawang iyon.

  3. Enjoy reading your blog.Btw, this is first time I visit to your blog🙂

    ________________________
    Why pay $1000’s for solar or wind power when you can build your ownprofessional system for less than $200?! (in your own backyard)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s