Isang turok

syringe

Isang araw iyon ng i-pm ako ni MJ (bunso kung aking tawagin)

MJ: ate ang nanay ko…

Nanay? inisip ko kaagad na magpapatawa na naman ito o kaya ay magbubuga ng sama ng loob sa mama niya, kasi nanay ang tawag e. Pero nagkamali ako, malayong-malayo pala yun sa iniisip ko.

MJ: Ang nanay ko two weeks na lang ang buhay…I mean yung yaya ko. Kasabay ng alam kong paghagulgol niya sa kabilang linya.

Ganun? Paano natakdaaan ng ganoon kasigurado ang buhay ng nanay niya? Ganun na ba kagaling ang mga doctor na eksaktong eksakto kung magtaning ng buhay?

Ako: ano ang nangyari?

MJ: those damn F****ing shit doctors!

Whew! Ang lutong nun alam kong dragon na siya sa kabila kaya pinabayaan ko lang siyang maglabas ng galit.

MJ: Pinatay nila ang nanay ko, I am begging them na bayaan nilang mamatay sa natural na paraan ang nanay ko pero di sila nakinig…..! Wala kaming nagawa ni papa, outnumbered kami.

Doon niya ikinuwento na more than just a week ago, Ang yaya niya ay nagkaroon ng matinding virus sa lungs. Nalulunod ito sa excess fluid na nasa baga niya at sa ganitong dahilan nagpasya ang mga doctor sa Canada (nurse si MJ doon at surgeon ang ama niya) na i-euthanasia na ang matanda ( actually di pa ito katandaan, nasa early 60s pa lang ito).

Iyon ang mas masakit sa pakiramdam ni bunso, Ang sapilitang kitlin ang buhay ng ina-inahan samantalang me ibang chances pang pwedeng sugalan.

MJ: alam mo ba ate na ang tanging hiningi ko na nga lang ay 24 hours, 24 hours para naman makasama ko at makapag-usap pa kami ni nanay, pero di nila ako pinakinggan. I still want to tell her how much I love and care for her.

Ako: me ilang panahon ka pa naman bunso, masasabi mo pa ang lahat sa kanya.

MJ: No ate, it’s different na, kasi she is unconscious na, di na niya maririnig pa ang mga sasabihin ko.

Ako: Response lang ang mawawala sa kanya, remember na ang hearing ang huling sense ng tao na nawawala di ba?

MJ: I doubt it ate, kung tatagal pa siya ng ganun, kasi ng mapilay ang paa niya at maturukan ng kaunting morphine iba ang naging reaksiyon ng katawan niya e. Ngayon pa kaya na ilang pung beses na mas mataas yung dosage na itinurok sa kanya… at muli ang pagbugso ng kanyang luha.

At totoo nga, kinabukasan lang ay hindi na kinaya ng nanay niya at bumigay na ang katawan nito.

MJ: Tinawagan nila ako almost 7 am at sinabing patay na ang nanay ko… sinabi pa nila na siguro me naunang tao ng naroon kasi maayos na ang katawan niya. Hindi nila alam na ako ang naroon nun, pinatay ko ang ilaw at kami lang dalawa. Para akong baliw ate, kinakausap siya… sabi ko ang daya niya kasi di man lang niya nakita ang magiging mga apo sa akin…kinakausap ko siya habang isa isa kong inaayos ang kanyang mga daliri…very gentle…hindi ko inireport sa hospital ang pagkamatay niya.. after ko siyang maayos ay umuwi ako at natulog…after 20 minutes ay tumawag na nga sila. Ate mahal na mahal ko ang nanay kong iyon. Isinakripisyo niya ang lahat para lang sa akin. Mas pinili pa niya ako kesa sa kanyang mga sariling anak.

Alam ko iyon, sa ilang beses naming pag-uusap ni bunso, alam kong mas mahal niya ang kanyang yaya kesa sa tunay niyang ina. Bagama’t galing sa prominenteng pamilya, lumaki siyang tanging ang pagmamahal ng nanay niya ang nakamulatan. Sa kabila ng kanyang katayuan ay old provincial values pa din ang itinuro nito sa kanya. Kaya nga ang tawag ko sa babaeng ito ay probinsyanang sosyal.

Nang kailanganin na niyang mag-aral sa Canada, isa lang ang hiniling niya, ang isama ang yaya at nangyari naman. Nang sabihin ng mga magulang niyang sa US na siya magtutuloy ng pag-aaral, tinanggihan niya ito at piniling malayo sa magulang wag lang sa yaya nya. Kaya marahil maiintindihan ninyo kung bakit siya devastated ngayon. Hanggang sa huling sandali ay sinunod ni MJ ang gusto niya sa kabila ng pagtutol ng sariling ina. Nagbayad siya ng $6000 para lang wag ma-cremate at mailibing ng normal ang nanay niya samantalang nasa $400 lang ang gagastusin niya sa cremation. Hindi niya pinakinggan ang pagtutol ng ina at ginawa niya ang tingin niya ay huling magagawa sa ina-inahan. Namatay itong siya lang ang kasama at wala isa man sa mga anak. Narito lahat sa Pilipinas at bagama’t kinakitaan din ng lungkot ang mga ito ay pinabayaan nilang gawin ni MJ ang marapat.

Iyon ang matagal ko ding pinag-isipan. Makatao ba talaga ang mercy killing o yung euthanasia? Iba-iba ang pananaw dito, ngunit maging si MJ na bahagi na ng medisina ang buhay ay hindi sang-ayon dito, di lang dahil sa ina niya ito nangyari kundi taliwas talaga sa kanyang paniniwala. Ano man ang dahilan, pagkitil pa din ito ng buhay at taliwas sa pangako ng medisinang gawin ang lahat ng kakayanin para dugtungan pa ang buhay. Isang turok ng lason at ang lahat ay magwawakas na….

6 responses to “Isang turok

  1. lately isang naging malaking isyu ang euthanasia dito sa Italya…..isang mahabang usapin na hahantaong pa rin sa isang fundamental question..sino nga ba ang may karapatan sa buhay ng tao…ang tao mismo o ang natura at Diyos,,,,,

    • Hindi nga biro un lalo sa usaping moral at relihiyon, iba iba ang pagtanggap pero ang katotohanang ito ay hindi pa rin natural ay siyang pinag-uusapan. Nakakalungkot lang na me mga umaabot sa ganito lalo sa first world country

  2. Nakakatuwa naman ang debosyon ni MJ dun sa nanay nanayan nya. Nakakalungkot isipin pero yan ang kasama sa buhay.. walang permanente. Mas maganda na lang na pahalagahan natin ang panahon na ating pinagsamahan sa ating mga kaibigan at pamilya d ba. (haay sana tama itong Tagalog ko Red..:). Barok na kong masulat sa Filipino e.)

  3. hmmm can’t say anything more about it coz i think ive recover na but still misses her and her memories.. i would like to take this chance to say ty kay ate red.. whose always there for me no matter what… even how hard, how painful this journey in life…it lightened up knowing youre there to hold my hands and cry with me..ate red ty is not enough but im so lucky and fortunate to have you in my life… just be there for me…love you and keep it up…love you always po…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s