Ang bisikleta at ang Jollibee

Napadaan kami kanina sa Jollibee ng fren juliet ko pagkatapos naming magjogging sa park. As in literal lang na napadaan hehe.

ako: haha yet, naalala ko na naman ng mag-drive thru ako dito sa jollibee, tanda mo pa yung bisekleta ko?

Yet: oo, bakit?

Ako: Paano sukat ba namang makatuwaan kong mag-drive thru jan na nakabisikleta lang, tapos nang tumapat na ako sa crew para kunin yung order ko e di ba naman tumitingin sa akin. Inaabangan kung sino pa yung susunod na naka 4 wheels.

Ako: Miss nanjan na ba yung order ko?

Crew: kayo po ba yung nag-order?

Ako: Yep

Crew: eto na ma’m

alam ko wala lang siyang magawa pero kitang kita ko yung amusement niya na nakabisikleta pala ang me order haha

Yet: kundi ka ba naman kasi.

Ako:  Ang cute nga e, mantakin mo kahit na wala akong 4 wheels e nag-drive through ako.  At hanggang ngayon nakikita-kita ko pa yung mukha ng shock na crew hahaha.

image069

Halos sampung taon ko ding kasama ang bisikleta kong ito, actually pangalawa siya kasi nabike nap yung una ko na nagamit ko din ng mga 4 na taon siguro. Ang kumpanyang dati kong pinapasukan ang isa sa pinakamalaking kumpanya dito sa Central Luzon pero di ako nahiya kahit kailan na mag-isa lang akong mujer na nagbabike papasok. Una, tawag yun ng pangangailangan. Wala kasing oras dati ang labas namin para sa mga external na gawain, e ang shuttle service namin nakaoras kung magroving. Bike ang nakita kong pinakamainam na alternatibo para makauwi ako sa oras na gusto ko.

Isa pa, ayaw na ayaw ko ang pumipila, lalo at me mga walang disiplina kang makikita na sisingit o pasisingitin at wala kang magawa kundi manahimik. Hirap kayang officer ka ng unyon tapos ikaw pa gerera sa mga pasaway grrrrr… kaya ang aking countermeasure…. dyarannn…. bisikleta.

Natitipid ko ang dapat na pamasahe (halos P12 din yon), tantiyado ko ang oras sa pagpasok at pag-uwi at higit sa lahat ay naaappreciate ko ang kalikasan at mga taong nakakasalubong kong naglilinis ng Industrial area. Aba bongga naman ako ha, kahit na nakabisikleta ako sinasaluduhan  ako ng mga guwardiya hahaha. Gustong-gusto ko ang parteng nadadaan sa puno ng eucalyptus. Me habit akong pumipitas ng ilang dahon at sinisinghot ko ang mentholated na amoy nito. Buti at wala akong allergy sa ganun.

Ngayon dumating ang punto na kinulit ako ng  mag-asawang Aurora at Ino. Kakukuha nila ng motorsiklo noon at gustong kumuha din ako. Sabi ko, pass muna at walang natitira sa sahod ko.

Au: Ta Liz tingnan mo ha, laging madami kang binabayaran at sabi ko konti lang natitira sa sahod mo, kung kukuha ka ng motor walang matitira sa sahod mo pero magkakamotor ka.

Hummmmm…. mukhang me katwiran, sige uto-uto e, kumuha ko, blue na Kymco Active 110. Si Ino na din ang nagturo kung paanong paandarin ang motor dun sa bukid sa loob ng Haciendal. Dahil nga sa sanay sa balancing ng bike at nakinig naman sa instruction, aba e natuwa ang mama at parang di daw niya ako tinuruan. Ako na ang nagdrive pauwi inalalayan na lang ako sa motorsiklo nila.

Ang aking si Tweetybird

Ang aking si Tweetybird

Ngayon 4 na taon na si Tweetybird ko hehe at kasabay ng aking bahay-bahayan e napabendisyunan ko na din siya. Sayang di ko pa kayo kilala nun, sana kayo ang ninang at ninong niya haha.

6 responses to “Ang bisikleta at ang Jollibee

  1. hmmm masarap balikan ang mga eksperyensya na kakaiba tulad na lang ng bike at jolibee…nakakatuwa….minsan nga naman maganda rin gumawa ng mga bagay na hindi ayon sa nakasanayan na konbensyon…hahahahaha saya!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s