Ang misteryo ni “Nicole”

Si Nicole ang isa sa mga sensational na tao sa balita ng Pilipinas, Ang nakakahimbal na karanasan nito sa kamay ng 4 na sundalong amerikano noong hatinggabi ng Nobyembre 1, 2005 ay makikita nating nakatala na sa Wikipedia. Laman ng mga pahayagan at telebisyon. Ang katapangang ipinakita nito sa panahong ng paglilitis kasama ng kanyang abugadong si Atty. Evalyn Ursua ay hindi matatawaran. Isang napakalaking hamon ang paglantad ni Nicole ng kanyang sarili sa kasong ito. Sa isang kulturang iilang kababaihan pa lang ang me lakas ng loob na ilantad ang sarili sa isang “nakakahiyang” sitwasyon, ito ay isang uri ng katapangan.

vfa1Bagama’t napawalang-sala ang tatlo sa mga kasamahan ni Daniel Smith, siya ay hinatulan na mabilanggo ng habangbuhay. Ngunit hindi sa ating kulungan kundi sa pangagalaga pa din ng kanilang kampo. Ito raw ay nakasaad sa kasunduan ng Visiting Forces Agreement (VFA). Isang kasunduang lubhang bias para sa atin. Walang mababasa ang sinuman na papabor sa mga sundalong pilipino o maging sa mamamayang pilipino, ngunit patuloy na pinagwawagay wayan sa ating pagmumukha.

Ngayon ay ang pagtuklas sa misteryong nababalot ng pagbabago ng statement ni Nicole. Mahirap manghusga ng wala ka sa sitwasyon, ang tanging maaari lang gawin sa kabila ng napakaraming katanungang hindi na masasagot ng kanyang pananahimik ay ang mag-ispekula. Nangyari ang pagbabago ng statement na hindi ipinaalam sa noo’y kasalukuyan pang abogadong si Atty. Ursua, sa isang tanggapan na siya ring pinagkunan ng mga abogado ni Daniel Smith.

Consistent at credible ang mga salaysay ni Nicole noon, kaya siya pinanigan ng batas. Bakit ngayong me hatol na at marami ng nabuksang pag-asa sa mga katulad na karanasan ay saka pa nito sasabihing, “duda na siya kung ginahasa nga ba?”

Nakakalungkot at sabiin na nating nakakadismaya ang nangyaring ito, ngunit marami pang hiwaga sa likod ng lahat….Sana lang ay matuklasan pa natin.

One response to “Ang misteryo ni “Nicole”

  1. nakakalungkot nga ang mga pangyayari…..pero minsan mahirap talaga husgahan ang pagbabago ng statement ni Nicole….siguro sa palagay ko lang di nya natantiya ang consequences ng paglantad nya dati….
    mahirap arukin ang mga dahilan sa biglang pagbabago ng mga desisyon sa panig ni NIcole…maraming pwedeng espekolasyon……..mahiwaga…..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s