Ang gintong aral kay Chip Tsao

Lumalamig na ang isyu ni Chip Tsao, nauna na rito ay ang paghingi ng paumanhin ng pamunuan ng Hong Kong Magazine ng makita nito ang negatibong reaksiyon ng mga tao, partikular ang mga Filipino. SInabi nitong ang isinulat diumano ni Ginoong Tsao ay isa lamang political satyr na hindi lamang naintindihan ng mga mambabasa.

“The publisher and editors of HK Magazine wish to apologize unreservedly for any offense that may have been caused by Chip Tsao’s column dated March 27.

HK Magazine has long championed the rights of Filipinos working in Hong Kong. We note that Filipinos have often been unfairly treated in Hong Kong, and that they make an important contribution to this community.

As a magazine, we would never want to say anything that would negate that belief, ”  by Asia City Publishing Group (ACPG).

http://hk-magazine.com/feature/war-home

Ngayon, laman ng mga balita ang paghingi mismo ng paumanhin ni Ginoong Tsao sa kanyang isinulat. Hindi daw niya sukat akalaing magiging ganoon ang reaksiyon ng mga Filipino. Pinag-iisipan pa daw ng ating gobyerno kung tatanggapin ang paghingi ni Ginoong Tsao ng paumanhin, ngunit malinaw na nakaban ito sa pagtuntong sa Pilipinas at maging ang pagkuha ng kasambahay na Filipino.

“Chip Tsao issued a public apology Tuesday night, which was aired over ATV’s 7:30 p.m. and 11 p.m. newscasts”

“The ’servant’ is a sacred term. A Hong Kong government official is a civil servant. We are all servants to God, right? I’m now aware that I’ve crossed the line and I offer my public apology,” Tsao was quoted as saying.

Ano ang matinding aral sa nangyaring ito? Unang-una, ang diskriminasyon sa anumang lahi at pagyurak sa pagkatao ng isang mamamayan ay isang sensitibong isyung hindi dapat ginagawang katatawanan. Bilang isang mamamahayag, dapat itong naging napakaingat sa usapin ng diskriminasyon. Ilang beses ng nangyari ang ganito at ilang beses na ding napatunayang tayong mga Pilipino ay hindi basta na lamang mananahimik sa usaping sangkot ang pagyurak sa ating pagkatao, sinasadya man o hindi.

Ang mga tao ay sadyang may tendensiya ng tinatawag na underdog sympathy. Ang simpatya natin sa mga taong biktima ng anumang sirkumstansiya lalong lalo na ng pagmamalabis ay isang natural ng “instinct” nating mga Pilipino. Maraming reaksiyon ang naisulat kong nakaraang blog kaugnay ni Ginoong Tsao, may ilang nagsasabing ito ay hindi dapat na pinapatulan. Maliban sa ilang inedit kong malulutong na mura ay buong laya kong tinanggap ang lahat ng puna, dito man lang ay maipahayag natin at maiparating sa kinauukulan na huwag na huwag gawing isang habit ang mga ganoong biro at pang-aalipusta.

Nawa ay may napulot tayong aral sa nangyaring ito, hindi man para sa atin kundi sa mga taong walang habas magbitaw ng di pinag-iisipang haplit ng salita.

Salamat sa pakikibahagi mga kapatid.

5 responses to “Ang gintong aral kay Chip Tsao

  1. Pingback: Pinoy24 hours na tayo! monitoring Chip Tsao! | blog.pinoy2.com

  2. para sa column ni cheap chow

    unang paragraph..
    anong konek?
    eh ano naman kung may koneksyon kayo sa japan? eh ano naman samin?

    pangalawa..
    kalokohan ba sya? anong karapatan nyang sabihing malaki ang parteng ginagampanan nila sa mga Filipino? Di ba nila alam na magugutom sila kapag walang DH na nagtatrabaho para sa kanila????
    Paano ang bahay nila? baka magmukhang hunted house kapag walang naglilinis na Filipino.

    Pangatlo..
    undue influence.. isa siyang malaking sulsol at gatong.. kung anu ano pinagsasabi.. hindi naman nya katulong yun.. may relasyon kayo noh?

    pang-apat..
    anong karapatan mong pagtrabahuhin sya ng 16 hrs a day? kung sa Pilipinas nga 8 hrs lang eh. may break time pa. aba! dapat doble ang bayad super duper over time. hmp!

    panghuli..
    hoy! amin ang Spratly.. nakita mo na ba ang mapa ng mundo? nakita mo ba kung gaano kalaki ang bansa nyo? its better to give than to receive noh..

    komento.., sinira ni cheap chow ang mataas na pagtingin namin sa mga chinese.. bago pa man dumating ang mga espanyol sa pilipinas mabuti na ang relasyon ng mga chino at filipino.. hay!! chorva ka chow!!

    salamat sa pagbasa.. nagenjoy ka ba?? hahaha..

  3. uhmmmm…ayun tapos na…ganun talaga…
    tayo din naman nagdidiscriminate…aminin man natin o hindi..mas matindi pa nga tayo manlait…

    simple lang ang solusyon…remember the golden rule..di ba?

  4. hay buhay, nasabi na niya at nangyari na di na niya mababawi pa. for Cheap este Tsip Tsao good luck nalang sa mga Pinoy!!!! Palaban ang mag ito….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s