Pagtitika sa Semana Santa

Tuwing sasapit ang semana santa o mahal na araw (Holy week) dito sa Pilipinas ay masasaksihan ang iba’t-ibang kaugaliang hindi pa rin nawawala. Marami sa mga ito ay makikita sa mga lalawigan. Kasama na din dito ang iba’t ibang klaseng pagtitika o penitensiya upang sabi nga ng iba’y makapagbawas ng kasalanan.

YOUNG WOMAN RECEIVES MARK OF ASHESSinisimulan ito sa pagpapahid ng abo sa noo sa araw ng Miyerkules (Ash Wednesday). Ang mga palaspas ng nakaraang taon ay iniipon at sinusunog upang ang abo nito ang ipahid sa noo ng mga dumalo sa misa.

palaspas1Ang opisyal na mahal na araw ay nagsisimula sa Linggo ng Palaspas (Palm Sunday). Dito ay pinabebendisyunan ng mga deboto ang kanilang palaspas. Ang paggawa ng palaspas ay isa rin sa negosyong kumikita sa araw na ito.

pabasaPabasa, ito ang pagbasa ng pasyon na hinihimigan ng iba’t-ibang klaseng tono, binabasa ng mga deboto ng tuloy-tuloy na pakanta ang laman ng pasyon. Dati ay sa iilang himig lamang ito maririnig ngunit sa paglipas ng panahon, makakarinig na rin tayo ng makabagong tono na galing sa mga batang mambabasa ng pasyon.

paspas-likodAng penitensiya sa iba’t-ibang anyo, ang paghahampas ng maliliit na kahoy na pahaba sa likod kung saan naman ito ay hinihiwa ng blade o ng basag na bote. Ginagawa ito na nakatakip ang mukha at me mga taling lubid sa buong katawan, nakayapak habang iniisa-isa ang mga pabasa, pagkatapos ay naliligo sila sa ilog, sapa o irigasyon bilang pagtatapos.

palo-likod na penitensiya

pasang-krusAng pagpasan sa krus. Ito ay literal na pagpapasan ng kahoy na krus. Ginagawa ito hindi lang ng kalalakihang nagtitika kundi maging ng kababaihan din. Kadalasan sila ay nakasuot ng kulay maroon na damit na animo ay replika ng suot ng Kristo. Nakayapak at iniisa-isa din nila ang mga pabasa, kasama ang ilang mga nakaalalay sa paglalakad.

pako-sa-krusAng literal na pagpapapako sa krus. kadalasan sa lalawigan ng Pampanga ito makikita. Taon-taon ay bumabalik at nagpapapako sa krus ang mga deboto bilang panata. Maingat na ipinapako ng mga nakatalagang mamamako ang kanilang kamay upang maiwasan ang mga pinsalang maaaring idulot nito sa deboto.

Philippines Crucifixion

Ang “Bisita Iglesia” ay ginagawa sa araw ng Huwebes Santo at pitong simbahan ang binibisita sa araw na ito upang makinig ng misa.

Kadalasang makikita sa mga pabasa ang iba’t-ibang paninda. Ito ay isang pagkakataong sinasamantala upang kumita kahit paano ang ilan nating mga kababayan.Bibingka, barbecue, halo-halo, pansit palabok, balut at kung anu-ano pa.

moriones

Sa ilang lugar gaya ng Marinduque kung saan ginaganap ang taunang Moriones Festival ay may palabas tuwing Sabado De Gloria na kung saan ay may isang palabas na ipinakikita ang pagputol ng ulo ni Longhino dahil sa pamamalita nito ng muling pagkabuhay ni Kristo.

salubong

Sa araw naman ng Linggo de Ramos o  Easter Sunday, kadalasan ay nagaganap ang “salubong”. Ito ang pagpapang-abot ng Birheng Maria at ni Kristo sa sa isang lugar kung saan ay dinadaluhan ng libo-libong debotong nais saksihan ang pagsasalubong ng banal na Mag-ina.

Samantalang ang ibang “can afford” naman ay sinasamantala ang mahabang bakasyon upang magbakasyon. Kadalasan ay sa mga dagat o malalamig na lugar gaya ng Baguio ang kanilang destinasyon. Anuman ang ating kinabibilangan, kahit saglit lang tayo ay mag-alay ng isang pagbabaliktanaw at pasasalamat sa pagtubos na ginawa ng ating Panginoong Hesukristo. Hindi man Katoliko ang ating relihiyon pero alam natin ang pagsasakripisyong inialay Niya sa atin.

Isang mapagtikang Mahal na araw sa lahat.

One response to “Pagtitika sa Semana Santa

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s