Over acting na mga pulis

Mula kahapon ay laman na ng balita ang tungkol sa naging trahedya sa pamilya ni Ted Failon (Anchorman ng ABS-CBN) Malaki ang balita, lahat ay may bahagi. Ngunit nasundot lang nito ng labis ang interes ko ng makita ang  mga pulis na walang habas kung damputin ang mga kasambahay nina Ted maging ang mga kapatid ni Trina (asawa ni Ted) na bumisita sa hospital ay pinagdadampot din sa salang “Obstruction of Justice”.

Hindi ko lubos na maisip bakit ganun ang nangyari. Lahat ay nagsasabi at nagpapatunay na self inflicted o kusa ang ginawang pagbaril ni Trina sa kanyang ulo. Maaaring ginagawa lang ng mga otoridad ang kanilang “tungkulin” ngunit parang overacting ang dating sa mga paraan nila. Bakit pati ang mga taong wala sa pangyayari at pamilya mismo ng biktima ay parang mga kriminal kung damputin? Ganito na ba talaga ka praning ang kapulisan natin? Ni hindi na iginalang ang pamimighati ng pamilya lalo at pumanaw na ganap na ika 8:50 ngayong gabi si Trina.

Doble doble ang sakit na inaabot ng pamilya sa panghaharass na ito ng mga pulis. Kitang-kita na wala na ang mga ito sa ayos at parang nagpaparangalan na lang. Maging ang Human Rights Commission ay may naaamoy na ding palso sa naging proseso.Maaaring me pagkukulang sa panig ng mga kasambahay na nalinis ang crime scene, pero ito ay may isang layuning di naman mahirap intindihin. Parang pinipilit lang iugnay ang kahit na sino para lang masabi ng mga pulis na di sila nagpapabaya.

Marami pang mga susunod na kaganapan hinggil dito, alam ko na di lang ito dito nagtatapos. Sana lang wag nating sapitin ang katulad ng sinapit nila.

Ganito na ba talaga dito sa atin?

8 responses to “Over acting na mga pulis

  1. what they did is a bad mood cause they are the family and then they will kill there mother or sister how will they do that ? And Ted the whole day Ted is in the radio and he go home with his wife dead that is why how will he do that ?
    And I know his telling the truth of what happen real

  2. Paano kung meron talagang “tendency” na gawin ni Ted yun? Nawa’y lumabas na ang katotohanan at maliwanagan tayo sa kung ano talaga ang nangyari.

    Medyo magugulo ang mga anggulo ukol sa pagkakaalam ko sa istoryang inihatid sa balita sa TV.

  3. Lahat gagawin para maprotektahan ang pangalan ng isang taong masyadong nalugmok na sa kapangyarihan. huwag mo daw maliitan ang pangarap ng isang pulitiko, kasi lahat ay kaya niyang gawin.

  4. korek po! baka gusto nila maging artista.,, tsk, tsk!!! ganito na ba talaga sa pilipinas, haaayyyy nakakalungkot na talaga, pero buti na lang wala na sila bwahahaha!!! kakairita lalo na yung matabang pulis na bingi habang kinakausap ng LAWYEr, my god!!! yun ba yung dapat hingian ng tulong??? haaayyyy

  5. Sa ganang akin, parehong may sala.

    Sa kampo nina Ted, bakit naman lininis ang lugar ng pinangyarihan?

    At sa pulis naman, sobrang OA naman sila.

    I just hope the truth will come out at the end, and let’s offer a prayer for the deceased wife.

  6. well.. i had my own point of view regarding the issue of Mrs. etong’s suicidal… but i am with those persons who give their respective comments on how these police treat Failon’s driver and maids…in addition to that i hate the way they investigating the case because they just making the issue more complicated. And as what i’ve seen on their actions,they deliberately want to show that Ted do shot her wife..their moves are partial! they acts are inhumane… i think we better raise a motion in Congress to file a bill that will provides our police to take again their degree and give them additional subject about HUman rights and Proper Conduct before they violate their own reponsibilities in our nation. In a way they showed in Media i think they’ve lost their proper conduct…like what others say they are OA of handling the said situation..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s