Isang Panawagan sa Kababaihan

Hinawakan ko ang Women’s Committee sa aming unyon ng ilang taon at naging aktibo ako sa pakikipaglaban para sa Karapatan ng kababaihan. at ang tulang ito ay nalikha  bago pa lang ako nagsisimula, mga tanong na pinilit kong hanapan ng kasagutan.

Babae Mahina Ka Nga Ba?

Saan ba nila ibinatay ang lakas mong taglaykababaihan
Sa patpatin bang katawang sa hirap ay pilit sinanay

O sa dami ba ng luhang kapiling mo sa gabi’t araw

Mga luha ng paghihirap na ikaw lang ang may alam.

Mahina ka nga ba, subali’t bakit magkakaganoon?

Di ba’t kahati ka rin nila sa paghubog ng panahon

Sa loob ng pabrika lakas mo din ay itinatapon

Manggagawang di kilalang sa limot ay ibinaon.

Babae, bakit tinatanggap mong ikaw ay mahina

Hindi ba’t nababata mo ang higit pa sa iyong kaya?

Sa paglikha mo ng buhay di ba’t buhay din ang kapantay?

Bakit ngayo’y sasabihing mahina ang lakas mong taglay.

Babae, huwag mong pabayaang mata mo ay hindi mamulat

Huwag mong tanggaping sa puso mo, sa lakas ikaw ay salat

May mga kabaro ka ring umaamot ng iyong lakas

Bibiguin mo ba ang kanilang hinahangad?

One response to “Isang Panawagan sa Kababaihan

  1. magandang araw po…

    Meron po kasi akong blog tungkol sa mga rally na pinangungunahan ng samahan gaya ng party list

    pwedi ko po ba kayong imbitahang basahin ito? hindi po kasi ako pabor sa mga ralihista, gusto ko naman pong makuha nag opinyon nyo sa sulat ko… Alam ko pong makakatulong kayo na ipaliwanag sa bubot kong isipan ang inyong ipinaglalaban.

    Ikagagalak ko po kung mababasa nyo ito… Salamat

    ALVIN

    eto po ang link http://livingstain.wordpress.com/2009/07/29/349/ o kaya ay mamari ninyong iclick ang aking pangalan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s