Earth Day

earthday

Sa tagal ng panahon, ngayon ko lang nalaman ang araw ng “Earth Day” bukas ito Abril 22 at bakit nga hindi ako huminto sandali sa ginagawa at magbigay sulyap naman tungkol sa araw na ito.

Ang mundo ang siyang kumakalinga sa atin tanggapin man natin ito o hindi. Diyantayo kumukuha ng ating mga pangangailangan, pagkain, damit, tirahan at ito din ang nagbibigay ng magagandang tanawin at karanasan sa atin. Marahil ay hindi lang natin ito napagtutuunan ng pansin at di din tayo nakakapagbalik ng pagpapahalaga sa kanya. Mother Earth, tunay nga namang ina pagdating sa pagkalinga.

landfill

Mayayabong na puno, malilinis at malilinaw na ilog at karagatan, malinis na hangin at makapigil hiningang tanawin, kabundukang sagana sa likas yaman….teka… hello??? nananaginip ba ako ng gising? Aba e sa lumang pelikula at larawan na lang yan makikita a. Ang mga bundok ngayon e di na kulay luntian…itim at amoy burak at nabubulok na…. teka…. e bundok ito ng basura a. Kalbong kabundukan dahil sa walang habas na pagputol ng punongkahoy, pagmimina ng di maayos at ginagamitan ng mga pasabog. Mga gawaing lubhang mapanganib sa ating kalikasan at sangkatauhan. Ang di maipaliwanag na pagbaha at landslide ang bunga ng mga ito. Sobrang tag-init, sobrang tagtuyot at sobrang taglamig. Mga di pangkaraniwang klima na ngayon ay ating nararanasan.

Ano ba ang naging ambag natin sa ating mundo? ang paggamit ng mga sasakyang smoke belching na? ang pagyoyosi at pagtatapon ng upos na nasa 12 taon bago madurog? ang pagtatapon ng mga basura na di nakahiwalay ang natutunaw at di natutunaw? ah mahilig nga pala tayong magtake out ng pagkain at yung styropor na yun na kailanman at di matutunaw. Hummm me bata sa bahay at ang pinakaconvenient para sa kanyang wiwi at pupu ay ang paggamit ng diaper. Mga diaper na nasa 500 taon bago tuluyang matunaw sa basurahan. at imaginin natin ang tone-toneladang diaper na itinatapon sa basurahan araw araw sa buong mundo, di maglalaon ay baka matabunan na tayo ng mga diaper na ito.

Kaya ang mga environmentalist ay patuloy sa pagsusulong ng kung paano sasagipin ang ating mundo sa pamamagitan ng paghihikayat at pagtuturo ng tamang paraan sa pangangalaga nito. Ngunit di man tayo kabilang sa mga aktibistang nagsusulong nito, maraming paraan kung paano tayo makakatulong sa kalikasan sa pang araw-araw na paraan.

smoke-belching

1. Pagsisiguro na ang makina ng ating sasakyan ay laging nasa ayos at di pa nagbubuga ng matinding usok.

waste-segregation

2. Ang paghihiwalay ng ating mga basura sa nabubulok at di nabubulok.

waterpollution

3. Ang pagtatapon ng basura sa tamang tapunan at di sa mga daan, ilog, dagat o estero.

reusable-napkin

4. Ang paggamit ng reusable napkin o pasador kapalit ng disposable napkin.

cloth_diaper

5. Ang paggamit ng reusable diaper o lampin kapalit ng disposable diaper.

no_light_bulb

6. Ang pagpapatay o paglimita ng mga kasangkapang gumagamit ng kuryente.

7. At marami pang iba.

Nakakatuwang malaman na sa ibang dako ng ating bansa ay me ilang lugar ng gumagamit ng enerhiya na mula sa nabubulok na basura. Isa na ang Rizal dito kundi ako nagkakamali. Me sentrong lugar na silang plantsahan ng bayan na ang gamit ay ang enerhiyang mula dito.

Ang iba naman ay nakakaimbento ng pakinabang mula sa mga plastic bag na ginagawang bricks. Paso mula sa gulong ng sasakyan, mga disenyong bag na naie export na ngayon mula sa mga basura gaya ng tetra pak, water lily at kung anu-ano pa.

Kaya mga repapips at tols and sis dami nating pwede pang maitulong kay Inang Earth. Basta me concern lang at disiplina di malayong makita uli natin ang mga luntiang bundok, malilinis na ilog at dagat, malinis na hangin at isang mundong hitik pa rin ng mga bungang nagkakalinga sa atin at sa susunod pang salinlahi.

Happy Earth Day po!

3 responses to “Earth Day

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s