Isang sampal ng katotohanan

Itong partner ko lagi na lang akong binubulabog sa mga natutunan niyang kung anu-ano, ang lagi ko namang sagot sa kanya ay pagtaasan siya ng kilay (taray ba hehe) paano nga kokonti na lang ang oras ko na makapagbukas ng mga sinusundan kong blog ng mga dabarkads sa aking listahan, medyo dumadalang na din ang aking post dito sa aking blog. Pero kagabi naulit na naman, narito ang inabot.

Sino na sa inyo ang nakapanood sa video ni Susan Boyle sa Britain’s Got Talent? Kung hindi pa niyo nakita e katulad ko din kayong me kulang na bahagi hanggang di pa ito napapanood.

Nang Si Susan Boyle ay pumagitna sa entablado at interbiyuhin ng mga hurado, makikita ang di pag sang-ayon sa mga mukha nila. Humugong ang matinding hiyawan ng kanyang sagutin ang tanong ni Simon kung sinong singer ba nais niyang makatulad. ELAINE PAGE iyan ang kanyang confident na sagot. Ngunit ang hiyawan at kantiyawang iyon ay dagling naputol ng magsimula na siyang kumanta. Inawit niya ang kanta sa Les Miserable na “I Dreamed a Dream”. Lahat ay napanganga at ang audience ay dagliang nagbigay ng Standing ovation sa paghanga sa kanya. Si Amanda na isa sa 3 hurado ay kitang-kita mo sa mukha ang di maipaliwanag na paghanga, hindi magkakaila ang expression niyang iyon na hindi niya sukat akalain ang kanyang naririnig, si Simon ay nakanganga at di rin maitago ang nararamdaman.

Si Susan Boyle ang 47 anyos at mag-isang namumuhay kasama ang kanyang pusang si Pebbles. Siya ay anak ng “coal miner”. nagkaroon ng sakit sa utak niya dahil sa kawalan ng oxygen pagkapanganak at naging sanhi ng pagiging mahirap nitong matuto.

susan-boyle-1Ang isang babae na malayong malayo sa typical na celebrity ang hitsura, buhok na parang di sinuklay, walang pormang katawan, ang baba niyang 3 doble na yata, ang kanyang pananalitang hindi makinis ngunit ano ba at parang binuhat ang kaluluwa ng mga naroon (maging ako) ng siya ay umawit, habang ang ating mga paa naman ay ibinaba niyang muli sa lupa. Ang kilabot ko ay abot hanggang sa huling hibla ng buhok kong naninindig. Sabi nga niya, Fantastic!

Sa pamantayan ng showbiz  na kung saan ang kagandahan ang namamayani, marami ang nagtatanong kung saan siya lulugar, ngunit si Susan ay isang pagbubukas ng mata para sa ating lahat.  Sa lahat ng ang pagtingin lang sa kagandahan ay panlabas. At gaya ng sabi ni Simon, uuwi si Susan na bitbit ang tatlong ACES.

susan-boyle-2Marami pang Susan Boyle tayong makikita, ngunit sa nangyaring ito ay malamang na di na natin pagtawanan ang isang kagaya niyang naghahangad lang ng lugar dito sa ating mundo.

Salamat Susan sa isang pagbubukas at pagpalain ka nawa ng Panginoon sa paghanap ng iyong lugar.

Panoorin ang kanyang video dito

4 responses to “Isang sampal ng katotohanan

  1. narinig at napanood ko siya sa youtube. grabe…lahat ng balahibo ko sa katawan nanayo sa angelic voice niya. isang kahanga-hanga. alam ko marami pa ang merong ganyang talent na ikinukubli ng indi kagandahang panlabas na anyo pero dahil kay susan…mag-iiba na ang takbo ng mundo.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s