Hayden Kho’s Scandal

hayden and katrina

Isang isyung matagal na ngunit ngayon lang napag-uukulan ng pansin. Marahil dahil sa mga kilalang tao ang sangkot. Marami ng opinyon na karamihan ay negatibo ang mga nagsisilabas ukol sa sex video scandal ni Dr. Hayden Kho at mga babaeng nalink sa kanya partikular si Katrina Halili.

haydenHindi marahil akalain ni Dr. Kho na dahil sa katuwaang kanyang ginawa ay malalagay ngayon sa kahihiyan di lang ang kanyang pangalan kundi maging ng kanyang buong pamilya at propesyon. Ngunit hindi siya ang biktima dito kundi ang kababaihang ginawa niyang aktres sa palabas na siya ang direktor. Nasa kanyang pananagutan ang lahat ng nangyari at kahit di pa siya ang nagpadala o naging dahilan ng pagkalat nito, kapabayaan yun sa kanyang panig.

Isang pagyurak sa karapatang pantao at kawalan ng respeto sa kababaihan ang kanyang ginawa. Mahirap sa lahat ang tumayo sa ganitong pagkakataon dahil kahihiyan lalo ng kababaihang sangkot ang nakataya. Wala itong pinagkaiba sa paulit-ulit na panggagahasa lalo kapag nagsimula na ang pagdinig sa usapin.

katrinaIsang katapangan sa panig ni Katrina ang ipinakita niyang paglaban at paghahantad ng sarili upang matuldukan lamang ang wika nga niya ay “pambababoy” sa kanyang pagkatao.

Isang pagsaludo sa uring kababaihan.

5 responses to “Hayden Kho’s Scandal

  1. At least naging eye opener din ito kasi ginawa na lang talagang katuwaan ang ganitong kapribadong usapin. Betrayal of trust ang masakit pa sa ginawa niya. Nabusy lang kaya di naasikasong magpost hehe.

  2. Ang masasabi ko lang tanga si Katrina na inamin niya na siya yung nsa sex video kasi in the first place medyo madilim yung vid at pwede niyang ideny yun. Or pwede niyang aminin na siya yung at huwag muna lumabas labas sa media and soon the issue will die out. Wala naman siya magagawa kung kumalat na yung videos eh. Bakit yung kay Ethel Booba at kay Criselda Volks nawala nalng saglit lng nwala na ung issue. Ngayon, nagpapaawa siya sa tv na huwag panuorin na kesyo may kaptid may nanay kayo o may anak kayo… hindi ba niya yan naisip bago siya nagsexy star? Bago siya gumwa ng sexy films at mgpapicture at mgposing posing na konti lang ang takip sa katawan? Lahat ng yan results ng actions niya. Eh kung manahimik nalang siya at mgpnta sa isang malayong lugar at piliing maging discrete ung pg sue nia kay Hayden edi hndi na lalo magkakainterest yung tao sa videos niya. Hindi kasi nagiisip eh.

    Kay Senator Bong Revilla naman at sa mga taong umaaksyon sa scandal na ito. Wala na ba tayong ibang issue o problema sa Pilipinas para ito ang pagtuunan ninyo ng pansin? Nagbabayad po kami ng tax hindi para ayan ang atupagin ninyo! Hello? Ang dami na kayang lumabas na ganyang issues before pero bakit dati hindi kayo gumawa ng batas tungkol doon? Ngayon lang ninyo hinihuli or confiscate yung mga bold dvds sa quiapo? Si Katrina Halili lang ba ang need ng justice? Bakit noon hindi ninyo ginawa ngayon lang?

    TO ALL: SENATOR BONG REVILLA WANT TO HAVE A LAW ON PORNOGRAPHY PATI YUNG SA INTERNET YUNG PAGBLOCK SA ISPs YUNG KAGAYA DAW SA CHINA AT MIDDLE EAST. (I CANT FIND THE ARTICLE BUT IM SURE I HEARD AND READ ABOUT IT) HUWAG NATIN ITO SUPPORTAHAN. ALAM NIYO BA KUNG ANO YUNG PAGBLOCK NA GNAWA NILA SA CHINA AT MIDDLE EAST? WALANG YOUTUBE, WALANG MULTIPLY, WALANG ONLINE STREAMING, BAWAL MAGUPLOAD. WTF?! DAHIL LANG KAY KATRINA GAGAWIN NILA YAN? HOY MGA SENADOR! KUNG TINGIN NIYO NAKAKTUWA YANG GINAGAWA NINYO PARA IBOTO KAYO NG MGA TAO SA 2010 THINK AGAIN? IBOBOTO NIYO BA YAN MGA YAN NA MAGBABAN NG YOUTUBE, MULTIPLY, ETC SA BUONG PILIPINAS? LOL

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s