Wag matakot sa hamon ng pagbabago

May mga natutunan ako nitong mga huling araw na medyo nanahimik ako. Kahit na lagi kong sinasabing handa ako sa lahat ng darating pero me pagkakataong naduduwag din ako.

Subalit totoo talagang basta bukas ka lang sa lahat ng pagkakataon walang hindi kakayanin. Ang pagreretired ko ng maaga sa buhay industriya (industrial worker) ay isang malaking takot na aking sinuong.  Takot akong mawalan ng trabaho kasi mag isa lang akong namumuhay, pero ang matinding pagkabagot ang nagtulak sa akin para mag -iba ng landas.

Hindi ako nakapag-aral sa kolehiyo kaya sino ang mag-aakalang ganitong trabaho ang babagsakan ko. Ang home based job. Ni wala nga akong pormal na pag-aaral sa computer e puro turo lang nga mga kasama sa dati kong gawain.

Kaya ko sinasabi ito kasi me napatunayan na naman ako sa sarili ko nung isang gabi. Parang bata yung boss ko na ibinalita na yung article na ginawa ko in his behalf ay accepted ng Ezine Article. Hindi ko din sukat akalain yun kasi napakataas ng pamantayan ng Ezine at napaka istrikto nila.

Sa iba maaaring napaka OA ko naman para magkaganito sa isang artikulo, pero ang sarap lang sa pakiramdam na nalalampasan mo ang hamon kahit sa mumunting paraan. Nakakapag uplift ng moral at ang sarap ipagpatuloy ang pagsuong sa hamon.

Ngayon kapag talagang pinagbuhusan mo ng atensiyon ang isang bagay ay may mabuti talagang naidudulot. Di ako halos nakatulog sa katuwaan ng gabing iyon. Sayang at di ko maibigay ang link dito kasi para maproteksiyunan ko ang aking boss na isang kilalang tao sa US. May kaugnayan ito sa epekto ng steroids sa kabataan.

Ang kasunod nito, nakafocus ako sa ngayon na makapagpublish din ako ng article na papasa sa sarili kong pangalan sa Ezine. Nakapagsubmit na ako kahapon at naghihintay na lang ng resulta. Isang magandang portfolio din ito kung sakaling maghanap ako ng work in the near future.

Kasama ko po kayo sa kasiyahan. Salamat din sa pag-aantabay.

7 responses to “Wag matakot sa hamon ng pagbabago

  1. First …i want to have a homebased jobs. I saw your site several times already but i just have time now to write you> Im just curious how i can find jobs while in the house. Could you please tell me how to start? Thanks a lot..and congrats..for having that recognition..You deserve it!

  2. Ate,

    Salamat ng marami sa suporta na ibinigay mo sa akin ngayong gabi…amazing…so inspiring yung sinulat mo….kasi yan ako….dami ako natutunan sa iyo at sa mga blogs mo. Parang ngkaron ng kasagutan ang mga tanong ko sa sarili ko these past few days….sana sa pamamagitan ng home based job, mpagtuunan ko na ng pansin ang pagkakroon ng baby…at di na kaylangan magmdali bumlik abroad para kumita. Nawa ang pagpapala ng Panginoon ay laging suma iyo.Salamat insan! hanggang sa muli!Godbless you and all you articles!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s