Ano ang Magandang Paraan sa Pagkuha ng Bayad sa Employer

Ang isa sa unang nagiging tanong ng mga baguhan ay ano ba ang paano ba ang bayaran sa homebased jobs at ano ang magandang pamamaraan?

Isa sa pinakapopular ay ang Paypal. Maraming transaksiyon ang maaaring magawa dito at ating pag-usapan.

Mga advantage ng Paypal

1. Ito ay kilala sa maraming bansa at maging sa mga employer.

2. Maaaring magamit sa maraming transaksiyon ang paypal lalo na sa pagbili ng mga online goods o services.

Mga Disadvantage ng Paypal

1. Medyo may kahirapan ang pagpapaverify. Mangangailangan ito credit card o kaya ay Eon card ng Union Bank. Hindi lahat ng tao ay me credit card kaya ang pinakamadali ay ang Eon card pa din. Dapat ay may kaunti na itong laman upang magamit sa pagpapaverify ng iyong Paypal account.

2. Nagbabayad na ang nagpadala sa Paypal ngunit mababawasan pa ang tumanggap kapag ito ay pumasok na sa iyong bank account. Nasa mahigit P250 ang nawawala sa bawat transaksiyon. Nito lamang nakaraang linggo ay may bagong polisiya ang Paypal, ang kabuuang bayad ng employer ay nabawasan pa ngayon ng $4.20. Sa pera natin, ito ay ilang kilong bigas na.

3. Dahil sa bank account ito isinasalin ay naglalaro sa 4 hanggang 6 na working days bago mo makuha ang pera. Di maaasahan sa emergency. Kung gugustuhin mong mapadali ay magagastusan ka pa din ng hiwalay. kung gusto ninyong mapadali ang pagkuha ng inyong pera, ang Paymanila ang maaaring makatulong sa bagay na iyan.

Ang ikalawang paraang subok ko na ay ang Xoom.com.

Advantage ng Xoom

1. Madaling makuha, kapag naipadala na sa iyo ang pera ay makukuha ito sa loob lamang ng ilang minuto.

2. Walang babayaran sa mga outlet ang kumukuha ng pera kaya neto ang kita mo.

3. Maraming mga accredited affiliates ang Xoom na nakakalat sa Pilipinas gaya ng Cebuana Lhuiller, M Lhuiller, BPI, SM, BDO, Metrobank, PNB, at Gcash remit.

Disadvantage ng Xoom

1. Dapat ay tama lahat ang detalye maging ang password ng ibinigay ng sender kundi ay di niyo makukuha ang hard-earned money niyo. Tandaan na ipaconvert na agad sa peso ang bayad niyo kasi ay sa bangko niyo makukuha yung pera kapag dollar ang ipinadala.

2. Sa US ito ay madali pero sa Canada ay hindi ito popular.

Yun lang, wala na kong makitang negatibo.

Marami pang alternatibong paraan gaya ng bank to bank pero di gaanong kinakagat ito ng mga employer. Kaya kung kayo ang tatanungin ng inyong employer ay ang Xoom ang aking inererekomenda. Kundi man at nasa US din lang ang employer niyo ay ipakiusap na lang niyo na sa Xoom magpadala. Sa Canada kasi ay di available ang Xoom o di gaanong popular.

Sana ay may napulot kayo sa isyung ito ngayon.

Para sa mga kaugnay na usapin basahin lamang ang mga sumusunod:

Advantage and Disadvantage of Homebased Jobs

Finding Homebased Jobs through oDesk

Verification sa Paypal gamit ang oDesk card

Hanapbuhay para sa mga inang nasa bahay

14 responses to “Ano ang Magandang Paraan sa Pagkuha ng Bayad sa Employer

  1. Ma’dam redfieryheart,

    Maraming salamat sa information….MAg ask lang po kung may available ba na EON Card sa PNB or Metrobank kaya…..Paano kung walang Union Bank na available? Yung kapatid ko po base siya sa Masbate nahirapan daw syang makuha yung ipinadala ng ate namin sa kanya dahil hindi raw available sa kanila ang EON CARD…. PLEASE HELP PO MA’DAM bagong panganak kasi ang kapatid ko at pambili pa naman sana yung perang pinadala pambili ng gatas ng baby nya…….Sana po maka reply po kayo sa akin……THANKS PO ULIT!!!!!!

    Merilou

    • Hi…salamat sa pagsilip sa blog ko…
      Hindi na kailangan ang CC or bank account via Xoom at sa totoo lang ito ang pinakagusto kong paraan ng pagbabayad
      Mabilis at walang kahit na anong babayaran ang pinadalhan at madami pang mga pwedeng pagkunan ng Xoom🙂

      • Gusto ko po kasi magapply para sa data entry online home-based job. So main problem ko po is yung pagdedepositohan ng payment ng employer. Like sa maraming offer, karamihan po sa kanila is through paypal, visa, mastercard etc. Wala po akong credit card or bank account para ma verify ang paypal ko. Paano naman po maeencash ung money sa xoom? Pwede ko po ba magamit yung xoom as substitute sa paypal without credit card or bank account? Thank you po sa mabilis na reply.🙂

      • Matagal na akong di nagwowork sa odesk e at walang Xoom sa kanila, sila ang magpoprovide ng mode of payment dun. Ung Xoom possible kung me makukuha kang direct employer. Mas gusto ng client ko ung Xoom kesa paypal kasi mas konti lang ang binabayaran nila. Kaya kun ikaw ang pamimiliin ay Xoom ka lang. Need mo lang ung transaction number at full name ng sender at siyempre ung ID mo.

        Sa Paypal naman nung una dahil wala pa akong CC that time, me mabibilhan ka ng tinatawag na virtual credit card at pwede mo ung magamit for PP verification. Nasa P200 more or less ang presyo nun, search ka lang ng virtual credit card online tapos tingnan mo ung mga feedback para me batayan ka kahit paano na di scam un. Gudlak!

      • Matagal na akong walang client from Odesk or upwork kaya di ako aware sa mga bagong mode of payment dun, kasi dati me sarili silang mode of payment at sila ang nag iisyu ng card na siya mong gagamitin as parang ATM. Try mo i search ang help nila kung possible na ang Xoom ngayon.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s