Kaunting kaalaman sa Influenza A(H1N1) virus
Ang influenza A virus (H1N1) ay natuklasan noong Abril ng taong kasalukuyan. Ito ay kadalasan ding tinatawag na “Swine Flu”. Ito ay pinagsama-samang apat (4) na klase ng virus na umaatake sa mga tao, ibon, at 2 uri na umaatake sa mga baboy.
Noong Hunyo 15, 2009 ay iniulat ng WHO (World Health Organization) na 76 na bansa na ang apektado at nagtala ng 35,928 na kaso ng ganitong uri ng sakit. 163 sa mga ito ang naiulat ng namatay.
Hunyo 11, 2009 ng ideklara ng WHO na ang sakit na ito ay nasa “Pandemic” alert na, ngunit mariing ipinaliwanag ng nasabing organisasyon na ang “Pandemic” ay tumutukoy sa bilis ng paglaganap at hindi sa kaseryosohan ng sakit. Hindi ganoon kataas ang fatality rate ng H1N1, nasa 0.4% lamang, higit na malupit ang virus ng SARS (severe acute respiratory syndrome) na kumitil ng 774 na buhay sa bilang lamang ng 8,096 na apektado (fatality rate na 9.6%).
Ang virus na ito ay kumakalat sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahin (sneezing) o paghawak sa mga kontaminadong bagay at pagkatapos ay ihahawak sa ilong o bibig.
Ano ang simtomas ng A(H1N1) virus?
Ang mga simtomas ng sakit na ito ay kagaya rin ng pangkaraniwang trangkaso, lagnat, kawalan ng ganang kumain, pagkahapo at pag-ubo. Ang iba ay nakakaranas din ng sipon, sore throat, pagkahilo, pagsusuka a t maging ang madalas na pagdudumi.
Taliwas sa unang napabalita, ang A(H1N1) influenza ay di nakukuha sa pagkain ng karne ng baboy. Ligtas ang pagkain ng karne ng baboy lalo at lulutuin ng maayos.
Paano natutukoy ang sakit na ito?
Matutukoy lamang ito mula sa pagkuha ng respiratory specimen (swabbing) sa isang taong apektado. Ito ay dadaan sa pagsusuri sa isang laboratoryo.
Sa kasalukuyan ay marami ng available na gamot lalo sa ibang bansa, ngunit dito sa atin ay Tamiflu pa lamang, magkagayunman ito ay mabisa at marami ng may ganitong sakit ang naagapan at tuluyang gumaling.
Ang wastong kaalaman, pagkakaroon ng malakas na pangangatawan at pag-iwas sa sakit na ito ang maaaring makatulong upang ang sakit na ito ay maiwasan.
Para sa kaalaman hinggil sa mga paraan ng pag-iwas sa A(H1N1) ay basahin ang siping ito: Paano maiiwasan ang A(H1N1) virus?
Napanagainipan ko kanina lang na mah N1H1 at naconfined daw. sana wag magkatotoo.
maiiwasan ba talaga ito sa paghugas ng kamay?
Ang paghuhugas ng kamay ang isa pa din sa pinakamabisang pag iwas sa lahat ng klaseng sakit. Ang kamay kasi ang tagapagdala ng lahat ng mikrobyong maaaring maisalin sa ating mga bibig at ilong.
naku talagang mag-iingat ako dahil pauwi ako ng pinas sa june29..dami raw ng kaso ng A(H1N1) sa pinas.tsktsk
Wow buti pa siya pauwi na, ingat lang igan basta healthy living lang at iwas sa matataong lugar.
Nakakatakot naman ang flu na yan….sa ngaun inuubo ako tsaka sinisipon…..tktsk….bka sintomas na to…Lord wag naman sana……
Don’t worry, mabilis lang naman makahawa yan pero di naman talaga deadly e. Di ba at iisa pa lang ang napabalitang namatay at iyon ay dahil me ibang sakit lang siya.
uy sana maalis na ang flu nayan. pero sabi namn ng DoH kasing lala lang ng ordinary flu eh. mas malala ang dengue. cge bye
ak si jan
umiiwas sa sakit na H1N1
Tama un Jan mas delikado pa nga ung ordinary flu kasi ang dami ng kumplikasyon ang kaakibat nito. Salamat sa dalaw igan.
nako akala ko may ah1n1 na ako hay salamat wala pala ordinary flue lang pala nakakatakot >>>>>>
am ngayun lang ako nakapag labas ng aking damdamin nakaka gaan din pala ng feeling pag mag share !!!!! heheheheheehe char muzta all im gene from cebu
hahaha I am glad na di yan H1N1 virus. Cheers at ingat po salamat din sa pagbisita.
Nice post, have you got an RSS feed I can subscribe to?