Ang Resulta ng Pagiging Pasibo (Passive)

Kahit kailan ay gustong-gusto ko ang pagbabahagi ng mga usaping may kaugnayan sa karakter at ugali ng mga tao. Isang pamana ng dati kong buhay tibak at bunga na din ng mga seminar sa paghubog sa karakter.

Marami sa atin ang hindi bantad sa pagiging pasibo at kailangang iba pa ang magsabi kung ano nga ba tayo. Narito ang ilang kaalaman hinggil sa ugaling ito.

passive

Pasibo (passive) – ang pagiging pasibo ay ang pagiging mahiyain sa pagsasabi ng tunay na nasasaloob at kadalasang nagbubunga ng di pag-abot sa talagang ninanais.

Mga ugaling taglay ng isang Pasibo

1. Kadalasan kapag may mga nangyayaring di maganda, laging iniisip ng taong may ganitong ugali na sila ang may kasalanan at dapat sisihin lagi.

2. Lagi nilang inaako ang lahat ng responsibilidad maging ang mga pagkukulang.

3. Maliit din ang tingin nila sa sarili at kadalasang kimi sa lahat ng bagay.

4. Laging humihingi ng paumanhin kahit na alam nilang di sila ang may kasalanan para lang matapos ang usapan.

5. Madalas na nabibitin sa ere ang sasabihin at nakakapagsalita ng walang kawawaan.

6. Kadalasang di naglalabas ng saloobin sa takot na makasakit ng damdamin ng iba. Ayaw nito na may nagagalit, napapahiya o nasasaktan dahil sa kanya.

7. Laging nagsasabing “oo” kahit sa katotohanan ay hindi ito sang-ayon.

8. Pananahimik kapag may gusto.

9. Laging inuuna ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili.

10. Hindi makapagdesisyong mag-isa dahil sa pakiramdam na wala siyang kakayanan

Mga epekto ng ganitong ugali

1. Dahil sa pagiging pasibo, hindi mo nakukuha ang iyong mga nais.

2. Dahil sa pagiging sunud-sunuran ay nawawala ang respeto ng ibang tao sa iyo.

3. Nawawala din mismo ang respeto mo sa sarili.

4. Di nawawala ang galit sa loob mo at laging madaling makakita ng ikasasama ng loob.

5. Nagbubunga ito ng mga problemang pisikal, pangkaisipan at sikolohikal.

Maaaring gusto nating maging perpekto sa paningin ng iba sa pamamagitan ng pagpapakumbaba ngunit dapat nating malaman ang limitasyon nito. Isa itong prosesong nangangailangan ng matinding pagbaka sa nakasanayan. Ngunit kung nais nating maabot ang mga minimithi dapat tayong gumawa ng paraan at di iyon makukuha sa pananahimik lang.

Kahit saang anggulo natin tingnan ay walang maitutulong na mabuti ang pagiging pasibo. Kung gusto nating irespeto ng iba kailangan nating tumayo sa kung ano ang tama sa ating paningin.

3 responses to “Ang Resulta ng Pagiging Pasibo (Passive)

  1. ate,
    i think mlaki ang maitutulong ng article na ito sa asawa ko….may ugali siyang ganyan eh….hehehehe…nawa s pamamagitan nito ay makapag-isip -isip siya….hehehe ulet.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s