Ang Pagiging Agresibo

aggressive 1

Madalas ba kayong nagagalit o nakasigaw at nakaangil na parang leong umuusok ang tumbong? Iyan ba ay nakasanayan niyo ng ugali? Ang paminsan-minsang “pagsabog” ay normal ngunit kung ito ay habitual na ay maaaring kabilang kayo sa ating pag-uusapan ngayon. Narito at ating talakayin ang pagiging agresibo.

Ang ugaling agresibo ay ang pagtindig para sa iyong karapatan ng walang pagsasaalang-alang sa karapatan ng iba. Ito ay ang paglalahad ng iyong paniniwala na ito lagi ang tama at lahat ng sasalansang dito ay mali.

Madalas na ginagamit ng taong agresibo ang mararahas na salita, galit, mga agresibong galaw ng katawan at iba pang mga pagbabanta. Laging kaakibat ng kanilang pagsasalita ang pagpaparamdam sa isang tao ng guilt at madalas na panlalait o pagpapahiya sa kausap. Ito ang tahasang kabalintunaan ng pagiging pasibo.

Sa kanyang paningin, siya ay makapangyarihan o may otoridad kaysa iba, sila ang laging tama at ang pakiramdam lang nila ang mahalaga. Maaaring madalas makuha ng mga agresibo ang kanilang gusto pero ang respeto naman ng ibang tao ang mailap sa kanila. Marami akong nakasalamuhang ganito ngunit ang madalas nilang maging kaibigan ay ang mga tao lang na handing sumunod sa kanila at naghahanap lang ng proteksiyon at atensiyon.

Marami sa ganitong mga tao ay may malalim na sugat ng kabataan, sila yung me itinatagong mga sakit na sa pamamagitan ng pagpaparamdam na sila ang may say at kumukuha ng pantapal sa hungkag na pakiramdam. Sila ang mga sobra ang sensitibo na hindi ipinahahalata at masyadong insekyur. Ito ang kanilang defense mechanism upang mapagtakpan ang kanilang kahinaan.

Maraming dahilan ang pagiging agresibo at narito ang ilan:

alcohol44Alak – ang alcohol sa katawan ay nagiging sanhi ng kawalang ingat sa salita at maging sa galaw ng katawan. Ang taong lasing ay madalas na nakikita ang simpleng pangyayari na ito ay sinasadya kaya madalas na umaakto silang agresibo.

frustrationAng sakit kalooban man o katawan at ang pagkabigo o pagkadismaya ay nagiging sanhi ng pagiging agresibo. Kapag ang isang tao ay nakaramdam na maraming humahadlang sa kanya at maraming bagay na siyang di maabot.

vawMay kinalaman din ang kasarian at kultura sa pagiging agresibo ng isang tao. Mas marami ang kalalakihang may ganitong ugali kaysa sa kababaihan.  Mas maraming kalalakihan ang nakakapatay at mas malaki ang bilang nito lalo sa nasa Third World countries kung saan ang kultura ng karahasan at patriyarkismo ay matindi pa din. Mga bansang higit na nakakaranas ng karahasan ang kababaihan at mga bata.

gunsPagdadala ng sandata – Isang dahilan din ng accidental aggression ay ang pagdadala ng baril, patalim at iba pang nakamamatay na sandata. Napakadali para sa may dala nito ang paggamit kung sa inaakala nila ay kailangan.

Mga hindi magandang kahahantungan ng pagiging agresibo:

  • Madaling masangkot sa basag-ulo.
  • Malaki ang posibilidad na makapatay o mapatay.
  • Kawalan ng respeto sa iba at dahilan din ng kawalang respeto para sa kanya.
  • Nagdadala ng kultura ng takot at karahasan.
  • Laging kinatatakutan at kinaiinisan.
  • Hindi makakatagpo ng isang tapat na kaibigan.

Ang agresyon ay hindi lamang sa pananakit sa pisikal na katawan, maging ang emosyonal at sikolohikal na aspeto ay maraming dumadanas nito.

Kayo, nanaisin ba ninyong magkaganito?

12 responses to “Ang Pagiging Agresibo

  1. hmmmm….maganda ang mga naisiwalat mo dito tungkol as usaping ng pagigng agresibo…
    at tama ka sa sinabi mong may malailm itong pinag-uugatan sa history ng isang tao…..
    madalas mahirap talaga makatrabaho ang ganitong mga tao..ingat at unawa ang dapat maging sandata sa pakikisalamuha sa kanila.

  2. may mga nabanggit sa sanaysay na masasabi kong meron ako pero hindi lahat meron bang half breed nito?hehehe

    machongbutiki po mula sa kabilang bakod ng iyong pahina. nice blog! =)

    very informative..

  3. Galing… wew!! parang napako ako dito sa kinauupuan ko..

    aaminin ko guilty ako ,,may ibang punto na tinamaan ako….sapul…

    parang eye opener to sa akin….

    Baguhan lang po dito pede elinks tayo?

    Salamat

    Bai

  4. ngayon ko lang poh nalaman na dilang pala sa katawan nararapat ang salitang AGRESIBO noon kc yun lang ang aking alam na ibig savhin ng salitang iyon ngunit ngayon nalamn ko na na di pala at my mas malalim pa palang ibig savhin ito! ngayon poh naiinitindihan ko na ang slitang AGRESIBO! paniniwala mo lng ang tama mukang tinamaan ako dun kc sometimes ganun ako yung tipong walang aangal kc yun ang gusto ko at yun lang ang tama! tnx

    • natutuwa naman ako sa pagtanggap mo ng iyong kahinaan. Saludo ako jan kasi jan ang pagsisimula ng pagbabago. May mga bagay kasi sa atin na di tayo aware kaya akala natin lagi pa rin tayong tama. Ang mahalaga matuto din tayong makinig upang maging maunlad ang komunikasyon at relasyon natin sa bawat isa.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s