Ang taong manipulador (Manipulative behavior)

manipulative2

Marami sa atin ang hindi gaanong pamilyar sa ugali ng manipulador, o maging sa ating sarili ay hindi tayo bantad na may ugali tayong ganito.

Alin sa mga sumusunod ang madalas mong ginagawa?

–          Madalas magkunwaring walang kakayanan, umaktong laging biktima at madalas na tinatanggap na ikaw ay engot.

–          Madalas sabihing “ikaw ang bahala” pero sa totoo lang ay labag sa kalooban.

–          Laging nagsasabing “mangako ka” at magkunwaring sobrang mapag-alala.

–          Kapag nasusukol ay laging sinasabing “magbabago na ako” gayong alam naman sa loob niya na di niya ito gagawin.

–          Laging sinisisi ang iba sa kanyang mga problema.

–          Madalas magkunwaring hindi pinapansin, nasasaktan, walang nagmamahal at kumakalinga (KSP yata un a)

–          Madalas na umaaktong galit at sumpungin.

–          Nagsasabi ng gustong makuha o maling nagawa pagkatapos ng pagtatalik.

–          Nagkukunwaring depress o suicidal.

–          Nandadamay sa problema mo para di ka mag isang namomroblema.

–          Nagkukunwaring perpekto upang di mahantad sa iba ang totong kulay.

–          Ang responsibilidad mo ay ipinapasa sa iba.

Kung mayroong higit sa isang katangiang nabanggit ay ginagawa ninyo, aba e wag ng magtakang kayo ay isang manipulador. Sila ang mga taong laging naninisi ng iba para maguilty kapag mayrong gustong makuha o makakuha ng pansin. Emotional blackmailer ang tawag sa mga taong ganito na ginagamit ang guilt para makuha ang gusto.

Madalas na nagagamit natin ang pagiging manipulador sa ilang pagkakataon, maging ang dakilang si Mahatma Gandhi man ay sinasabi ring gumamit ng ganitong taktika ng siya ay mag hunger strike noon. Bagama’t ang layunin ay wasto ngunit ang kaparaanang ginamit ay hindi ganoon.

Kapag kasi ang tao ay nataniman mo ng “guilt” sa pagkatao niya ay maraming bagay ang nagagawa nitong labag sa kalooban. Masakit mang tanggapin, may mga pagkakataong nararanasan natin ang ganito sa ating mismong mga magulang o kapamilya, sa ating mga guro at maging sa mga ministro o kaparian.

manipulative1Kapag ikaw ay talamak na manipulador, nagagawa mong pasamain ang loob ng mga taong malalapit sa iyo kaya bago mo mamalayan sila ay nagsisiiwas na. Hindi ka na makakakuha ng tiwala mula sa iba at maaaring mapagkamalan ka pang may “sayad” dahil sa pagiging malayo mo sa katotohanan. Ang masakit ay ikaw mismo ay hindi na mapaghiwalay ang kasinungalingang ginawa mo at ang totoong reyalidad ng buhay. Kapag nasanay ka na sa ganitong paraan ng pagkuha ng anumang gustuhin ay hindi ka na nga maghahanap pa ng ibang paraan at doon ka na mababaon. Para na itong lintang sisipsip sa dugo ng iba upang matugunan lang ang mga kapritso.

Napakahirap kasama ang may ganitong ugali. Isang taong magaling sa emotional blackmail, sila na nga ang me kasalanan at pagkukulang pero ikaw pa ang magiguilty kapag kinumpronta sila, at totoo, kasarap tumakbong palayo sa may mga ganitong ugali.

Marapat lamang na masuri nating ang totoong dahilan at lalim kung bakit tayo humantong sa ganitong ugali. Anong mga responsibilidad ba ang ayaw mong harapin upang ito ay ipasa sa iba? Anong kakayanan ba ang wala sa iyo para di mo mapangalagaan ang iyong sarili at sa iba ka umaasa? Anong outlet ang maaring pagbalingan para maialis ang sarili sa ganitong sitwasyon. Humanap ng tulong sikolohikal kung kinakailangan.

Ikaw, isa ka bang manipulador?

4 responses to “Ang taong manipulador (Manipulative behavior)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s