Happy Birthday online job

praying hands

Hindi ko lang mapalampas na di magbigay pasasalamat ngayong araw na ito. Happy birthday kasi sa aking online job. Isang taon na akong binuhay ng gawaing ito na sa hinagap ay hindi ko naisip na kahahantungan.

Nang ako ay magretired mahigit 2 taon na ang nakakaraan dahil sa matinding pagkabagot sa dating trabaho bilang isang pangkaraniwang manggagawa (pagkatapos na ialok sa akin ang promosyong aking tinanggihan dahil sa prinsipyo).  Ilang panahon din ng pangangapa at pamamahinga na din bago may nagbukas ng pinto para sa ganitong gawain. Challenging at talagang pigaan ng utak bilang isang quiz writer at ang akala kong di makakaya ay nagawa ko ng mahinusay at naging pinakamalakas na contributor ng Boredquiz.com. Nang magsimula na itong humina gawa ng krisis ay may panibagong offer na naman akong natanggap noong Enero 6 (Sto Nino Feast yata iyon) at nadagdagan pa pagkalipas ng isang buwan.

Ngayon ay 3 na ang aking boss. Kung sa iba ang idinadaing ay kawalan ng trabaho, ngayon ay mukhang aabutin kong idaing ang sobra namang trabaho haha. Pero sabi ko nga mas gugustuhin ko na ang ganito kaysa sa talagang walang trabaho. Compensated naman e napasubo lang talaga akong gawing 14 na oras sa isang araw ang work.

Kaya kapaga ang lola ninyo ay di nakakasilip sa inyong mga blogs at madalang na ding malamnan ang blog ko, marahil ay mauunawaan niyo nang gawa iyon ng kakulangan ng oras at pahinga.

Muli ang aking pasasalamat sa Maykapal para sa biyayang patuloy Niyang ibinabahagi sa akin at aking pamilya.

Salamat din mga kasama.

9 responses to “Happy Birthday online job

  1. Hi! Im into online job din kaso wala po me ngaun need ko pa naman self study po kc ako,and bago ang sa larangan na to,Im wondering kung matutulungan nyo po ako khit under nyo lang. Im willing Thanks

  2. Yes. We pass the hard times of my wife’s first pregnancy through online job. It was a much better pay at our own comfort. I was beside my wife so I could attend to her needs. And during her pregnancy, she is still doing SEOs and stuff.

    And even right now that our child is a year old, it is still online kind of works that makes us survived.

    Hope that many people would be given a chance to know the opportunities of working online.

    Kudos to us all and God bless

  3. Hello po. Paano po ba yang ginagawa ninyo? Gusto kong gawin yan. Umalis din ako sa dating kong trabaho dahil sa bagot na. Pashare naman. Please send me details sa email ko. Thanks po.

  4. Dear Redfieryheart,
    Hello po. Sana po maturuan nyo po ako…..Pa share naman nang blessings mo ma’am kahit kunti lang ……gusto ko talagang mag ka online job pero di ko alam paano magsimula…please help po….Thanks po talaga……..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s