Ang “huling” SONA ni Gloria

serve

gloria-arroyoSiyam na taong pagkakaluklok sa pwesto, bukas ay ang “huling” SONA (State of the Nation Address) o pag-uulat sa bayan ni GMA. Marami ang nagtataas ng kilay sa magiging resulta ng ulat na ito, dahil ilang panahon na din namang napatunayan na maraming “niluto” na ulat ang pangulo upang mapabango at mapaganda lang ang sasabihin sa bayan. Napakaraming mga pangako ang hindi natupad, lumala ang kahirapan at kawalan ng trabaho. Pananahimik sa isyu ng anomalya kapag ang pamilya ang sangkot ngunit ang tahimik at patuloy pa ding pagkaladkad sa isyu ng CHA-CHA o charter change ay patuloy pa ding itinutulak.

no to chachaHindi na masisisi ang sambayanan, dahil ang barometro ng mamamayan ay hindi ang kung ano pa mang pangako o magagandang ulat kundi ang paminggalang madalas ay walang maisaing at tiyang kumakalam. Huwag nating pagtaasan ng kilay ang ginagawang sakripisyo ng mamamayan at mga manggagawang 6 na araw ng naglalakad galing sa timog katagalugan (Southern Tagalog region) upang maipakita lang kung anong laki ng pagtutol nila sa panunungkulan ni GMA. Pagod, gutom, sakit ng katawan ang inaabot ng mga taong ito na nagpakita ng lakas ng loob at katatagan upang hantaran lang na ilantad ang pagtutol. Inuulan at inaarawan ngunit bale wala ang lahat ng ito.

Bukas ay muling mariring ang ulat ng pangulo, kung maniniwala tayo o hindi ay opinyon na ng bawat isa. Ang mga militar ay muli na namang kakalat at sana ay mapangatawanan ang maximum tolerance na lagi nilang sinasabi. Sana din ay bantad tayo sa lahat ng positibo at negatibong nangyayari sa ating lipunan. Kanya-kanya tayo ng paraan sa pagsuporta at pagtutol. Nawa sa dulo ay panalo ang sambayanang pilipino sa sarswelang ito.

Ikaw kaibigan, saan ka sa araw ng SONA?

29 responses to “Ang “huling” SONA ni Gloria

  1. Hindi ako nanuod/nakinig sa sona ni pgma. Ayoko sana mag-comment dahil wala naman akong alam pagdating sa mga ganyan. Sana maging mas epektibo ang susunod na presidente nalang.

    Hindi nga rin pala muna ako boboto sa 2010.

  2. huwag naman sana nating puro kasamaan ang isipin kay P.GMA kasi di naman naikakaila na may naitulong talaga siya at talagang nagtatrabaho para sa Pinas.

    gayunpaman ibaiba tayo ng opinyon sana lang ay sa mgandang paraan natin sabihin at hindi sa tulad ng ginawa ni Mar Roxas.

  3. alam nyo po kung tutuusin lahat tayo ay cchin dahil masyado na tyong nainfluwensahan ng kurakot sana angb susunod na mamumuno ay d makasarili at d mahilig mangorakot
    d nyo ba nappansin na puro kurakot na ang nagiging presidente ng pilipinas d naman tau dapat magalit sa kanila kc tau rin namn ung nagboto sa kanila

    kung tutuusin ang daming trabaho ngunit d lamang napapansin

    • May bahagi talaga tayo sa pagkukulang ngunit malaking bagay talaga ay nasa namumuno. Tama ka din na madaming pwedeng pagkakitaan marami lang ang nagseselan kahit na magutom pa. Kaya ako ay saludo sa mga taong ginagawa ang lahat para maitaguyod ang pamilya kahit na maliit pa ang tingin ng iba sa kanila

  4. Una s lahat hindi ko ito inilhad pra sumang ayon o tumaliwas sa SONA 2009 ng Pangulong Gloria Arroyo.

    Hindi na nararapat pang ilahad lahat ng pangako at lahat ng natupad ng nino mang umupo s pagka Pangulo ng Pilipinas.
    Nangako ng kaayusan, kapayapaan, trabaho, edukasyon, sariling tahanan,pagkain sa bawat mesa ng masang Pilipino.

    May ilang nakakakita ng kagandaan ngunit mas marami ang nakakakita ng kapalpakan at katiwaliaan.

    Naghirap o naghihirap man ang bawat isang Pilipino, Hindi man natin ito ginusto, lalo namang hindi ginusto at gugustuhin ng Pamahalaan na mag hirap ang kanilang sinasakupan.

    Ibinigay mo na ang kamay, pati ba nman braso ay aasahan?
    Tama na magbigay ngunit ‘wag nating subuan.
    Tama lang na humingi ngunit ‘wag maging tamad,
    tumanggap ngunit ‘wag iasa sa kanila ang lahat.

    Laging bukang bibig nating mga Pilipino na tayo ay may kalayaang magpahayag ng damdamin o saloobin. Ngunit ‘wag din nting kalimutan na tayo ay may kalayaan din na magtrabaho at magsumikap.
    Marami mang kabataang nagugutom, marami din namang napapakain.
    Di man sapat, ‘wag naman nating sabihing kulang.

    Hindi sila umuupo sa pwesto para turuan ang mga Pilipino na maging tamad.
    Isa rin po akong Pilipino, tumanggap ngunit masasabi kong hindi ako umaasa.
    Kaylan ba tayo nakuntento? At kaylan ba tayo makukuntento?.

    Gusto ng pagbabago ngunit mismo ang bawat isang Pilipino hindi kayang magbago.
    Tinulungan mo na, may nasasabi pa

  5. hindi naman ako cgoro tanga para nd maging updated sa nangyayari sa ating bansa, marami nang tao ang naghihirap at nagugutom sana naman wag natin pagtuunan nang pansin ang mga salitang walang kabuluhan gusto kasi ng mga pilipino ang aksyon ndi ang salita, ndi ako nakikinig ng sona dahil alam ko ndi lahat nang pangako nang pangulo ay kaya niyang tuparin bakit ndi nalang tau gumalaw ng walang pangako para naman ang mga tao ndi umasa sa mga pangakong binitawan di poh ba hope naging tama ang mga opinyon ko dahil ako minsan din akong naniwala sa isa sa mga panagko nang pangulo peo sa tingin ko ndi etq natupad mahirap umaasa kasi sa mga panngako

  6. HMM pinanood, pinakinggan ko mula umpisa.. pagdating sadulo, antok na ako eh. sayang pera ko.. nanood na lang sana ako sine..

    anyway, last sona na nga niya sana ito. first time ko manood ng SONA woohoo.. at may comment ako..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s