Ang laman ng SONA ni Gloria

r_pgma

Sa unang bahagi ay ang kanyang pagtalakay sa pandaigdigang krisis kung saan ay binanggit niyang milyon-milyong ang nawalan ng trabaho sa buong mundo pero hindi raw ito nagging dahilan upang Pilipinas ay mawalan ng pokus at manatiling matatag.

Hindi maikakailang sa bawat paglalahad niya ng mga accomplishment ay ang patama kaliwa at kanan sa kanyang mga kritiko.

Higit sa lahat ang layunin ng ating mga patakaran ay tulungan ang masipag na karaniwang Pilipino. New tax revenues were put in place to help pay for better healthcare, more roads, a strong education system. Housing policies were designed to lift up our poorest citizens so they can live and raise a family with dignity. Ang ating mga puhunan sa agrikultura ay naglalayong kilalanin ang ating mga magsasaka bilang backbone ng ating bansa, at bigyan sila ng mga modernong kagamitan to feed our nation and feed their own family.

Sa telecommunications naman, inatasan ko ang Telecommunications Commission na kumilos na tungkol sa mga sumbong na dropped calls at mga nawawalang load sa cellphone. We need to amend the Commonwealth-era Public Service Law. And we need to do it now….

Sa pagpapamahagi ng milyun-milyong ektaryang lupa, 700,000 na katutubo at mahigit isang milyong benepisyaryo ng CARP ay taas-noong may-ari na ng sariling lupa. Hinihiling ko sa Kongreso na ipasa agad ang pagpapalawig ng CARP, at dapat ma-condone ang P42 billion na land reform liabilities dahil 18% lamang ang nabayaran mula 1972. Napapanahon dahil it will unfreeze the rural property market. Ang mahal kong ama ang nag-emancipate ng mga magsasaka. Ii-mancipate naman natin ngayon ang titulo….

Nakinabang ang pitong milyong entrepreneurs sa P165 billion na microfinance. Nakinabang ang 1,000 sa economic resiliency plan. Kasama natin ngayon ang isa sa kanila, si Gigi Gabiola. Dating household service worker sa Dubai, ngayon siya ay nagtatrabaho sa DOLE. Good luck, Gigi…

Our average inflation is the lowest since 1966. Last June, it dropped to 1.5%. Paano nakamit ito? Proper policies lowered interest rates, which lowered costs to business and consumers.

Dahil sa ating mga reporma, nakaya nating mamuhunan sa pagkain—anticipating an unexpected global food crisis. Nakagawa tayo ng libu-libong kilometro ng farm-to-market roads at kasama ng pribadong sector, natubigan ang dalawang milyong ektarya. Mga Badjao gaya ni Tarnati Dannawi ay tinuruan ng modernong mariculture. Umabot na sa P180,000 ang kinita niya mula noong nakaraang taon. Congratulations, Tarnati. We will help more fisherfolk shift to fish farming with a budget of P1 billion…

Sa Rent Control Law ng 2005 hanggang 2008, hanggang sampung porsyento lang maaaring itaas taon-taon ang upa. Iyong kakapirma nating batas naglagay ng isang taong moratorium, tapos pitong porsyento lang ang maaaring itaas. Salamat, Kongreso….

Ilan lamang po ito sa mahaba-habang listahan ng talumpati ni PGMA.

Ang tanong… sang-ayon ba kayo sa laman nito o may madugo kayong pagtutol?  Magbigay po lamang ng komento.

11 responses to “Ang laman ng SONA ni Gloria

  1. Sa telecommunications naman, inatasan ko ang Telecommunications Commission na kumilos na tungkol sa mga sumbong na dropped calls at mga nawawalang load sa cellphone. We need to amend the Commonwealth-era Public Service Law. And we need to do it now….

    -parang ito ang peyborit ko..hehe

  2. Ipinagmamalaki ko rin mas malakas tayong kumain ng instant noodles kesa sa mga Hapon at Intsik.Napaka Lucky(me) nating bansa.

    Walang Martial Law na magaganap.Pero pwedeng mangyari ang Hondura’s Twist…cou..cou…ru..cou..cou..pero mga sundalo cou..rin ito!

  3. i think we have to force ourselves to cooperate with the government official, because although they have the power to command such people to do or work for one project, its always need to implement with the cooperation and suggestions of one another, besides, we, residents of our own country should cooperate with the officials in implementing such project… because these are for own sake…

  4. .wag natin isisi lahat sa gobyerno..dahil tau rin mismo ay may pagkukulang..

    kung ccmulan natin ito sa ating sarili sa simpleng pag sunod sa mga batas kalye tulad ng bawal tumawid..pro anu tumatawid parin..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s