Asertibo – Isang Paraan Upang Ikaw Ay Irespeto

iron+fistRespeto, iyan ang isa sa mahalagang sangkap sa ating pagkatao. Anong klaseng nilalang tayo kung ang salitang iyan ay hindi natin makukuha mula sa mga taong mahal natin, kaibigan at komunidad. Kung magkagayon ay iisa lamang ang ibig sabihin nito, may mali sa ating  pagdadala ng sarili at kung ano iyon, mahalagang ating pag-usapan.

Kung tayo ay bantad sa mga taong pasibo (masyadong mapagbigay) at agresibo (masyadong mapaggiit) ang asertibo naman ay ang gitnang ugali ng dalawang nabanggit.

Pagkakaiba ng agresibo sa asertibo

Ang agresibo ay naggigigiit ng walang pagsasaalang- alang sa damdamin ng ibang tao dahil ang mahalaga sa kanya ay ang damdamin lang niya na madalas nagiging dahilan ng lalong hindi pagresolba sa isyu (destructive). Samantalang ang asertibo ay naggigiit ng kanyang karapatan sa isang paraang konstruktibo (constructive) sa pamamagitan ng maingat na pagbalangkas ng salitang gagamitin.

Ang pagiging asertibo ay mahalagang sangkap ng isang maayos na komunikasyon. Hindi lang nito simpleng naipapaabot ng malinaw ang gustong iparating ng isang panig kundi nagagawa din nitong  ipaalam kung saan ka nakatayo at nabibigyan din ng pagkakataong mabago ang mga kahinaan ng isang tao upang ito ay mapalakas.

Asertibong lider

Ang isang lider ay marapat lang alam kung paano maging asertibo upang makakuha ng respeto at otoridad sa kanyang nasasakupan. Nagagawa nitong pumuna na hindi mamasamain ng pinuna at di niya mararamdamang siya ang inaatake, bagkus ay ang kanyang kahinaan lang.

Totoong mahirap maging isang asertibo ngunit ito ay napag-aaralan kasabay ng paghubog natin ng isang pagkatao at sa madalas na paggamit nito ay magiging normal ng bahagi  ng ating buhay. Ito ang paggigiit na alam kung kalian makikinig sa kabilang panig at laging tinitimbang ang bawat sinasabi.

Tamang paraan ng pagpuna

Isa sa pinakamahirap gawin ay ang pumuna ng palso ng iba na di nagiging negatibo ang dating. Kaya mahalaga ang pagpili ng salitang gagamitin upang maihiwalay ang galit o puna sa tao mula sa mga bagay na maling kailangang punahin. Ang dapat nating punahin ay ang masamang gawi at hindi ang tao mismo. Sabi nga maging constructive dapat ang puna natin at di destructive. Kapag inuna natin ang galit at ibinuga iyon ng hindi iniingatan ang sasabihin, malamang sa hindi na ang makita lang at maramdaman ng taong ating pinuna ay ang galit at hindi ang concern na nakapaloob doon. Sayang ang layunin ng pagpuna kung ganoon.

Halimbawa:

Agresibo: bakit ngayon ka lang dumating, di mo ba alam na madaling araw na? kababae mong tao ay ginagabi ka sa daan… blah blah blah!

Asertibo : anak bakit ngayon ka lang, alam mo bang alalang-alala kami sa iyo, alam mo naman ang panahon ngayon diba?

Ito ay parehong pagpuna sa isang anak na dumating ng alanganing oras. Makikita sa una na simpleng galit lang ang ibinato ng pumuna , samantalang sa asertibo ay naipakita nito ang concern at damdamin, kung ano ang epekto ng nangyari sa mga pumuna (pag-aalala). Di ba’t higit na magrereact tayo ng positibo sa ganitong paraan?

Ang pagiging asertibo ay hindi lang ang paggigiit ng indibidwal na karapatan, kundi maging sa karapatan ng ibang indibidwal din o grupo na niyuyurakan ng mga taong agresibo. Sa ganitong paraan ay nabubuo ang respeto natin sa ating sarili at nakakakuha tayo ng respeto mula sa ibang tao. Dahil totoong karespe-respeto ang taong tapat na nakakapagpahayag ng loob sa hindi mapang-away na paraan.

Tandaan, hindi lang kung ano ang ating sasabihin ang mahalaga kundi kung paano din natin ito sasabihin.

Handa na ba tayo sa kaunting pagbabago?

3 responses to “Asertibo – Isang Paraan Upang Ikaw Ay Irespeto

  1. base muna.hehe

    ‘Isa sa pinakamahirap gawin ay ang pumuna ng palso ng iba na di nagiging negatibo ang dating. Kaya mahalaga ang pagpili ng salitang gagamitin upang maihiwalay ang galit o puna sa tao mula sa mga bagay na maling kailangang punahin. Ang dapat nating punahin ay ang masamang gawi at hindi ang tao mismo.’

    Amen ako dito. sabi nga, ‘it’s not what we say but how we say it.’

    tactless kasi ko minsan kaya dapat kong isipin muna talaga ang sasabihin ko. hehe

  2. ang pagigigng asertibo kasi ay pinapraktis talaga, napakadalang ng taong likas na ganito. Kadalasan ay sa mga leadership training ito hinuhubog. basta be aware lang talaga sa delivery para di masayang ang tunay na dahilan ng ating pagpuna.

  3. Ang pagiging asertibo ay nagmumula sa isang tahanan na puno ng pagmamahalan dahil dito po nahuhubog ang pag-respeto sa isat-isa ng bawat miyembro ng pamilya at matutunan mo ding makisama sa ibang tao na may tamag asal…:)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s