Pumanaw na si Cory

PRESIDENT CORY AQUINO- DSR pix

Sa ilang panahong paglaban niya sa sakit na colon cancer, pumanaw na ang dating pangulong Corazon Aquino. Sa edad na 76, si Cory aypumanaw sa ganap na 3:18 ng madaling araw, Sabado (August 1, 2009) . Si Cory ay higit na nakilala bilang pangulong humalili sa diktaduryang Marcos. Si Gng. Aquino ang kinikilalang ina ng demokrasya sa pamumuno nito sa mapayapang EDSA Revolution noong 1986.

Sino ang hindi makakakilala sa kanyang pamosong dilaw na kasuotang nakita sa kanya sa buong panahong siya ay nakilala. Mula sa isang payak na maybahay ng namayapang dating Senador Ninoy Aquino hanggang sa paghawak niya sa pinakamataas na posisyong pampulitika ng ating bansa at maging kauna-unahang babaeng pangulo ng Asya.

cory1Noong 1986, siya ay itinanghal na “Woman of the Year” ng Time Magazine, Agosto 1999, Si Cory ay pinarangalan bilang isa sa “Most influential Asian of the 20th Century” ng Times Magazine at muli noong Nobyembre 2006 na kabilang sa “65 Great Asian Heroes” kasama nina Mahatma Gandhi, Deng Xiaoping, Lee Kuan Yew at marami pang iba.

Sa kanyang pagbaba sa katungkulan sa pagtatapos ng kanyang termino noong 1992, Si Cory ay nanatiling aktibo sa mga pampulitikang usapin at patuloy sa kanyang adbokasya.

Sa pagkakaalam sa kanyang sakit, ang mayorya ng sambayanan ay nalungkot at nakiisa sa panalangin nang kanyang paggaling. Ngunit ang dating pangulo ay namayapa na din. Ngayon ay ang pagluluksa ng sambayanang Pilipino sa pagyao ng isang haligi ng institusyon.

9 responses to “Pumanaw na si Cory

  1. ang pagbuhos ng pakikiramay kay Cory ay salamin ng malalim na disgusto ng mamamayan sa kapwa niya babaeng presidente ng ating bansa. Si GMA ang anti-thesis ni Cory kaya mas lalo pang naging popular si Cory nang pumanaw siya, dahil pumanaw siya sa panahong tnutuligsa niya ang mga pinaggagagawa ng rehimen ni GMA.
    para sa akin, ang pinaka-angkop na parangal kay Cory ay ang pagtataguyod sa mga labang iniwan niya. Tayo ang tatapos sa kanyang mga sinimulan.

  2. you know what..cory is not only a great pres. but a HERO…she’s a great model of every filipino, so let’s not forget what she’ve started…peace and love….i hope dat what she did was not taken 4granted by those people who had the power(r gov’n) and for evry filipino continue supporting till her last breath…pls. continue praying for her soul and for her family to be strong and special to her contry to sill build to be one..love and peace….godbless

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s