Saludo para sa Honor guards ni Cory

honor guards

Kahapon pa habang pinapanood ko ang napakahabang paghahatid sa huling hantungan kay Tita Cory ay napapahanga na ako sa 4 na gwardiyang ito na nakatayo ng tuwid at disiplinadong tiniis ang init, ulan, tagal ng prusisyon maging ang tawag ng kalikasan.

Sa walong oras na mahigit, hindi lamang isang tawag ng katungkulan ang ginawang ito ng 4 na honor guards. Itinulak din ito ng spiritual, physical stamina, disiplina at matinding will power upang kayanin ang walang galawang pagtayong iyon. Isama na din siguro natin na ayaw nilang maging kahihiyan ng kanilang mga pinuno at pamilya.

Magkagayunman, saludo ako kina PO1 Danilo Maalab (PNP), Private 1st Class Antonio Cadiente (Army), Airman 2nd class Gener Laguindan (Air Force) at Petty Officer III Edgardo Rodriguez (Navy). Ang ginawa ng 4 na ito ay lagpas sa tawag ng katungkulan, sabi nga nila sila ay inspirado dahil sa napakainit na pagtanggap ng mamamayang Pilipino sa pagpapahayag ng kagustuhang samahan ang dating pangulo sa kanyang huling hantungan.

Maging ang senado ay agad na natawag ang pansin at si Senador Pia Cayetano ang agad na nagpahayag ng kagustuhang mabigyang parangal ang apat na magigiting na kawal.

Hindi lang ang kanilang pamilya ang nabigyan nila ng karangalan, maging ang sambayanan ay sinimbulo din nila ng katatagan at determinasyon. Ang 3 maliban kay PO1 Maalab ay bibigyan ng medalya ng pagkilala, samantalang si PO1 Maalab ay promosyon ang naghihintay.

Saludo ako sa mga honor guards na ito.  Kayo ba kaibigan , ano ang opinyon mo?

One response to “Saludo para sa Honor guards ni Cory

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s