Delikadesa sa isang hapunan

gma

Napakainit na isyu ngayon ng naging “masaganang” hapunan ni Pangulong Gloria at kanyang mga kasamang mambabatas sa isang sikat na restoran (La Cirque) sa nakaraan nitong pagpunta sa US. Bakit nga hindi, e nakakalula at tumataginting na $20,000 ang naging bill na ang katumbas sa ating piso ay halos isang milyon.

Isang milyong piso sa isang hapunan??? Sino nga ba ang hindi tataas ang kilay sa usaping ito na natapat pa sa pagkamatay ng dating Presidenteng Cory. Ngayon ang Malacanang ay hindi magkandatuto sa pagpapaliwanag at paghuhugas kamay na hindi pera ng mamamayan o tax ang pinanggalingan ng halagang ginamit doon kundi kay congressman Martin Romualdez daw para sa treat nito sa wedding anniversary ng first couple.

Maging ang mga Obispo ay nagreact na din sa isyu ng moralidad para sa isang mataas na opisyal ng bansa na magawang makakain sa ganoon kamahal sa kabila ng kagutuman at kasalatang dinaranas ng kanyang mga mamamayan. Hindi ito isyu ng kung sino ang gumastos, kundi isyu ng moralidad at delikadesa.

Kayo ano ang inyong pananaw? Dapat ba o hindi dapat na humingi ng paumanhin si Gloria sa masaganang hapunan ito?

Bayan kayo ang humatol.

5 responses to “Delikadesa sa isang hapunan

  1. 1. baka naman reward nya sa sarili nya yun kasi dahil sa accomplishments nya (Meron ba> hehehe)

    2, Dapat syang mag public apology. 1M pesos!!!!
    pede ng idonate yun… kumain na lang sya sa resto d2, di pa aabot ng ganyan kalaki.

    3, Papansin ka Gloria.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s