Si koji naghaharp na sa heaven

Koji (Pebrero 16, 2009-Agosto 20, 2009)

Koji (Pebrero 16, 2009-Agosto 20, 2009)

Matagal ko ng gustong iblog ang hairless kong aso, si Koji. As in ang balahibo lang niya ay ang tutsang at ilang goaty plus mga 3 kilay. Isa siyang special child ng nanay niyang si Negra at sa 5 magkakapatid ay tanging siya lang ang lumabas na walang balahibo. Pebrero 16 ito ng taong kasalukuyan.

si Koji pagkapanganak pa lang sa kanya

si Koji pagkapanganak pa lang sa kanya

Ang cute ni koji parang daga

Ang cute ni koji parang daga

Ako na uli ang umako sa pagpapalaki sa kanya kasi alam kong sensitive ang kanyang balat. Allergy siya sa direktang sikat ng araw at nasa sunburn talaga.

Si Koji ang munting kalabaw

Si Koji ang munting kalabaw

2 buwan siya noon ng madale ang parvo virus at halos isang linggong nakaconfine. Iniuwi naming wala ng pag-asa, nag iyakan na nga kami ng partner ko e. Kaso narinig ung mga kapatid at ina hayun sumigla at kumain hanggang sa tuluyang makarecover.

Koji and me after recovery

Koji and me after recovery

Wala lang, si Koji lang kasi ung pinabayaan kong lalaking aso na mapalapit sa akin e. Bonding kami sa liguan, tutbras ng tit niya pati ang pagpahid ng cologne at araw araw na pagbibihis sa kanya. Tuwing Lunes ay naging habit ko ng siya ay bilhan ng mga damit pambata kaya dami talaga niyang damit.

Koji and mama Riz

Koji and mama Riz

Kaso kanina sa sandaling panahon, after na ang sabi nasagasaan daw ang ina niya, pinalabas ko lang siya para magwiwi, binantayan ko para maipasok agad habang naghihinagpis pa kami sa pagkamatay ng nanay niya. Ang bilis, me nakain agad siya, hinabol ko at inamoy, tinapa lang pala… ang masakit,wala pang 2 minuto, natumba na siya at bumula ang bibig.

Mahirap imaginin na tumaghoy ako ng malakas habang pinipilit siyang irevive. Pero yun lang ang way ko para mairelease yung masakit sa dibdib ko… sa isang iglap wala na si Koji.

Si koji habang nagrerelax sa sofa

Si koji habang nagrerelax sa sofa

Kabait ng mga nanadyang mag-iwan ng lason doon, kaya si Negra malamang e nalason muna bago nasagasaan, maraming ebidensiya ang makakapagpatunay dito.

Sana lang ipinagpapatuloy pa nilang mag-ina ang paglalaro sa heaven.

8 responses to “Si koji naghaharp na sa heaven

  1. waahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

    simula kong binabasa tong post nato.

    nacucutan ako, ang sarap basahin, natutuwa ako…

    pero pagdating sa bandang huling part…
    unti unting nadurog ang puso ko sa nababasa ko..

    namatay silang dalawa pareho….

    si koji at negra…..

    nakaklungkot..

    idagdag pa ang senaryo na ikaw ay naghinagpis sa pagkawala nila…

    ….

    • Akala kasi nila kapag nag alaga ka ng pets simpleng hayop lang ang mga iyon, di nila alam na nag iinvest din ng emotion ang mga pet owners. May mga oras nga na para akong napapraning, kasi bukod sa nakasunod na ako sa mga aso ko paglabas nilalagyan ko na sila ng mouth cover para di makakain ng kahit ano…

  2. hello auntie…naku ang tagal kong di nabuksan ang website na ito..kakalungkot naman…..bakit now kolang nalaman patay na si koji mo? di ba nga at siya’y masiglang msigla nung una ko siyang makita at una akong makapasyal diyan?

    Nawa, magkaroon ka ulet ng bagong “KOJI”….

    condolence…ganun na din sa kanyng inang nasagasaan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s