Traffic sa hanging bridge ng Ton-ok Falls

Noong Miyerkules, Setyembre 9 ay nagkayayaan dito sa bahay na tinutuluyan ko sa Calbayog na magpunta sa Ton-Ok Falls. Maganda raw dun sabi ni sis Bad (partner ko) at batay naman sa mga larawang ipinakita niya ay sige napahanga nga ako. Pagkatapos iyon ng fiesta dito kasi para me baon pa kami galing sa handaan hehe. Past 10 na ng umaga kami nakalarga sakay ng motor na parang jeep. Yun bang lalaman ng sampuan ang sakay pero motorsiklo lang ang hila, iba ito sa habal-habal na nakatakda din naming sakyan sa pagpunta sa isa pang falls sa darating na araw.

Nakakatakot naman talaga promise wahhh

Nakakatakot naman talaga promise wahhh

Mga nasa 45 minutong sakay at pagkatapos ay mga kalahating oras na lakaran ay narrating din naming iyon. Pero me dinaanan kaming mahabang hanging bridge na ikinatuwa nila sa akin. Paano ay natrapik daw yung mga kasunod ko. Medyo malulain ako sa height at bagama’t metal na kable ang humahawak sa tulay ay medyo malikot ito dahil sa hangin. Naku, kundi ko lang alam na ako ay lampa bakit ba di ko kayang madaliin, e paano kung ako ay masilat, tiyak hulog ako sa hanggang tuhod na putik, nyakkkks!

see liit ng tulo no!

see liit ng tulo no!

Maganda sana yung area ng falls pero medyo mahina ang tubig na bumabagsak noon at malalim naman ang mismong lugar kaya nagtiis na lang kami sa hanggang tuhod na tubig sa gilid gilid. Pero sarap kumain ng inihaw na isdang malalaki, nabitin ang kanin at pati yung talong na binili ko sa batang nadaanan naming at kutob ko ay pang ulam nila hehe, ay nayari din. Malamig ang tubig pero enjoy kahit sa mababaw lang kami.

parang Buddha hehe

parang Buddha hehe

Alam niyo ba kung paano kami bumaba mula sa mataas na bahaging ito? ganito po un o…

parang mga susong nagkapit kapit sa bato hehe

parang mga susong nagkapit kapit sa bato hehe

Hala at makisilip na din kayo sa munting adventure.

Hayan po ang palawan

Hayan po ang palawan

Hindi ko din pinalampas ang papicture sa “Palawan” yun bang puno ng gabi na lampas tao ang taas at pagkalalaki ng mga dahon, hindi lang yata pwedeng gawing laing (kung hindi tsamba talaga, isang dahong at tangkay lang isang kawali na hehe). Ang laman ay mas malalaki pa sa ulo ng tao at kailangang maliliit lang ang luto kasi may katigasan at hindi nalulusak ang laman nito.

Hanggang sa susunod…

2 responses to “Traffic sa hanging bridge ng Ton-ok Falls

  1. wahahah

    ang kulet. maski ako dun sa hanging bridge sa biak na bato.. naglulundagan mga klasmeyts ko ang ending – natulala ako ewan kung sa takot o sa pagkalula..

    natawa naman ako sa falls na mahina ang daloy. baka naman may bara lang hahaahah
    yung huling pic kala ko nagteleport ka po sa palawan. haha malaking gabi pala yun. now i know!!

    thanks sa pag tour mo !!!!!!
    i enjoyed it

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s