Ang Passport

Di akin ang passport na ito

Di akin ang passport na ito

Sabi ng partner ko dala daw ako ng requirements at IDs kasi dito sa Calbayog magkakaroon ng mobile pasporting. Siyempre noon ko pa gusto magkaroon passport kaya bring my requirements naman ako.

Noong Setyembre 12 yun nangyari at excited ako na magpapicture ng pang passport ang laki. Ennnngggg… unang problema, di makita ang tenga ko sa picture kahit ang ikli na ng buhok ko, kung dahil ba sa taba ng pisngi ko o dahil talagang dikit lang ang tenga ko e di ko pa masabi. Siyempre pa umiral na naman ang pagka McGyver ng lola ni’yo, ako papayag na hindi makunan ng picture dahil lang doon, no, no, no! ang solusyon, diyarannnnn… nilagyan ko ng 2 tinuping papel ang tenga ko para umangat ng konti, un bang parang upos lang ng sigarilyo at bongga! Pwede na. Salamat sa photoshop at nadamitan din ako ng coat hehe.

Nang bumalik kami sa passporting office, tuwang tuwa ako kasi kakaunti lang kami, dinala ang papel ko sa isang lalaking kawani at di ko alam me interview portion pala. Okay lang, wala namang tanong na di kayang sagutin e. Ang malupit, inusisa ang birth certificate ko at deretsahang sinabing di ako maiisyuhan kasi ako daw ay intsik kasi ang tatay ko intsik…..HUWATTTT??? for how many years since birth ang alam ko ay Filipino ako tapos isang araw tatalampakin akong ako ay Chinese. Paano daw dahil kasal ang nanay ko sa tatay ko noong 1955 ay saklaw daw kami ng batas na nagsasabing “by virtue of marriage” ang nanay ko ay naging Chinese na din and therefore kaming mga anak nila ay intsik din. Huhuhu… ang hirap salagin kahit pa sinabi kong ang kuya ko di naman nahirapang makakuha ng passport at ilang beses na ngang nakaalis pati pa ung ibang kilala ko. Ang sagot lang ng masungit na mama, “di ko alam sa kanila pero hindi talaga pwede” kailangang icontest ko pa daw ang nationality ko at need ko pang sumangguni sa abogado.

Hayyyssss ang lupet talaga, umuwi akong bigo at luhaan. Akala ko ganun lang kasimple kumuha ng passport, di ko akalaing sa nationality ko pa ako makukwestiyon. Sabi ng iba natapat lang daw ako sa istrikto, di naman daw lahat ganoon. Ngayon ang next assignment ko ay kumunsulta nga ng abogado at malaman ang susunod na gagawin. Kung me alam po kayong ibang paraan, please help naman si Red.

2 responses to “Ang Passport

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s