Pan-as Falls

Bumabawi yata ako, aba pang 5 na punta ko na ito sa Calbayog at kapag di pa ako nakalibot sa mga tourist spots nila dito magrerebelde na ako.

Here is my second adventure, falls pa din dito sa Brgy Pilar, Oquendo District ng Calbayog. Ang Pan-as falls. Mas malaki daw ito kaysa sa Ton-ok pero pinangunahan na nila akong medyo mahirap ang pagpunta sa area. Hala go lang ako kasi sabi ko nga ang Pinatubo nga naakyat ko yun pa kaya.

Angkasan kaming tatlo sa isang motorsiklo, at me kasama din kaming 3 lalaki naman na angkasan din sa motorsiklo, nasa isang oras na biyahe din yun mula sa Calbayog proper to Pilar. Iba-iba ang kundisyon ng daan, me mabato, me malubak, me maayos at me makikitid. Mula sa Pilar naman manggagaling ang iba pa naming kasama papunta sa Pan-as.

mga pagod pa sa lakad

mga pagod pa sa lakad

Hummmm kakaiba nga kasi rough road talaga, me dadaanan kang ilog na mababaw, sapa, mga madudulas ng bato at mga kakahuyan. Yun bang tipong kapag ikaw ay iniwan doon malamang sa hindi di mo na makita ang daan pauwi. Maliliit at makikitid pa ang mga trails, tipong di masyadong dinadaanan na tanging ang me kabisado lang sa lugar ang makakarating dun. Mga halos isang oras din na lakaran, dulasan ang dinaanan. Tricky at talagang inaatake ako ng nerbiyos kasi me area na kapag nadulas ka ay sa malalim na kakahuyan ka mahanap. Kapag nadapa ka maaari ang matusok ng mga kahoy na putol at kapag nagkamali ka ng bagsak baka mabalian ka ng buto. Yung sandals pa naman na nahiram ko madulas sa bato. Yung kahit nakatayo lang ako ay dudulas at dudulas pa din wahhhh.

O say niyo sa pose ha

O say niyo sa pose ha

Nasa 14 kami at majority lalaki, 4 lang ang mujer, wag ng itanong kung sexual preference hehe. Masarap sa lugar na hinintuan naming, sa may dam iyon kung saan naroon ang pinanggagalingan ng tubig na dumadaloy papunta sa magkakalapit na baryo. Pero di namin yun binulabog, sa ibaba lang kami.

blac-blue winged  dragonfly

black-blue winged dragonfly


blue-green-black winged dragonfly

blue-green-black winged dragonfly

Heto yung the same species ng tutubi na nakita ko sa Ton-ok at di ko nakunan, this time talagang di ako pumayag di makunan. Nagpahuli sila for picture taking at pinawalan din naming afterwards. Unique kasi sa amin e walang ganitong kulay. Halong itim at asul ang pakpak na nagiging green pa kung minsan.

takot ako eh

takot ako eh

Nagkayayaan sa medyo mataas na bahagi kasi mas maganda daw talaga dun pagkatapos kumain. GO uli ako pero nakakahiya mang aminin, sanhi ako ng bagal at traffic uli kasi madulas talaga at ingat na ingat ako. Dumating pa sa punto sa lugar na ito na ayoko ng tumuloy kasi kapag nagkamali ako disgrasya aabutin ko talaga.

ang baging bow!

ang baging bow!

Biruin niyo dapat ako umalalay kay Jenirose kasi mukhang lalampa lampa pero siya ang humihila sa akin, tapos me hawak siyang baging na hinahawakan ko din pang-alalay. Diyahe talaga. Yung isang kasama namin ipinagamit na yung tsinelas niya para lang tumuloy ako.

Pan-as Falls in full view

Pan-as Falls in full view


Mga dambuhala sa falls

Mga dambuhala sa falls

Tama nga naman, mas maganda ang tanawin dun kasi kita mo talaga yung pinanggagalingan ng falls.

Hala makisaya po uli kayo sa adventure ni Redtot at hulaan niyo kung ilang dapa at dulas ang inabot ko sa adventure na ito hehe.

One response to “Pan-as Falls

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s