Lupit ng hagupit ni Ondoy

halos hanggang ibabaw ng posteng baha

halos hanggang ibabaw ng posteng baha

Nakamamangha ang laki ng pinsalang idinulot ng bagyong si Ondoy sa ating bansa. Hindi nasukat ninuman maging ng PAGASA ang lupit ng hagupit at dami ng ulang ibubuhos ng nagngingitngit na bagyong ito.

ang lawak ng pinsala ni Ondoy

ang lawak ng pinsala ni Ondoy

Maraming nasukol sa bubong ng kani -kanilang bahay, mapapalad pa ang ibang mayroong 2nd floor. Tumataas na din ang bilang ng mga nasawi, mahigit 300 na at marami pang mga nawawala. Asahan na ito dahil sa hanggang ngayon ay marami pa din ang lubog na mga lugar at ang nagsisiksikan ng evacuation center. Bilyong halagang ari-ariang nasira.

mga casualties

mga casualties

baha

Napakalawak ng pinsala, napakaraming naging biktima, at magtatagal pa ito ng ilang panahon. Mga kagamitang nasira, mga bahay na natabunan at buhay na nasawi. Pinakamalupit na mula ng taong 1967. Sa iba ito marahil ay gamit lang ngunit sa marami ito na ang kanilang buong kabuhayan. Nakalulunos makita ang kalagayan ng mga biktima, hindi nawawala ang sakit ng loob ko habang nanonood ng mga balita. Isang kalagayang hindi lang panandalian dahil marami ang magsisimula uli sa wala. Mapapalad ang hindi gaanong nasalanta at buo ang pamilya. Totoong mapapalitan pa ang mga nawalang gamit ngunit hindi ang buhay.

relief operation

Sana ay hindi tayo magdamot ng tulong sa pagkakataong ito. Materyal man o pisikal at moral. Sama-sama nating ibangon muli at isalba ang ating mga kapatid.

14 responses to “Lupit ng hagupit ni Ondoy

  1. hay naku, ako kahit halos wala akong nailigtas na gamit sa binaha kong bahay (maliban sa laptop ko) masaya pa rin ako kasi ligtas ako.

    pero minsan nalulungkot rin ako sa mga iba pang naapektuhan tulad ko, lalo na sa mga namatayan… sana matapos na ang delubyong ito.

  2. s biglang tanay ang mga taong may hatid n mga plastic n puno ng mga pagkain /damit at ilang mga bagay n gamit sa pang araw araw ang parang mga santo sa paningin ng mga kawawang mmmyan n nasalanta ng bagyo. tanong minsan naitanong q s sarili q kailangan bang magkaroon p ng kalamidad pra maisipan ng ilang mga nakakaluwag s buhay n magbahagi ng biyaya s kanilang kapwa…yung bang mga taong ito s kanilang buhay naisip kaya n ang kanilang mga kasambahay ay abutan ng extrang tulong para s kanilang mga pamilya / s hirap ng buhay ngayun magkano nga lang b ang sweldo ng isang kasambahay? kumpara s hirap ng mga gawaing bahay n nakapatong s kanilang balikat tama b ang pasweldo s kanila? kapag ganitong panahon /kapag may nakatutok n kamera / may nakamasid n media / d b biglang lumalabas ang mga mpagkawang gawang kamay…kung ganito ng ganito ang ugali ng tao , masarap ipagdasal n sana araw araw may ondoy s buhay natin….

  3. maraming pinoy p rin ang madaling maloko..ikumpara natin ang bagyong ondoy s ilang bagyong nagdaan bago ang bagyong ondoy n sinisisi ng maraming madaling maloko at pinakikinabangan nman ng mga taong nag frame up kay ondoy para syang msisi s trahedya…d b mahina at d ganong matagal ang ulan n dala ni ondoy ???kung ganun san galing ang tubig n lumunod s naparaming kabahayan ???sabagay ang tao habang sariwa p ang pangyayari naalala p …tlaga naman mga kandidato magaling n strategy yan …ngaun kampanyang umaatikabo s pagppbida s pamimigay ng tulong mula s mga perang ninakaw din naman s kaban ng bayan,,,ang pinoy nga naman

  4. ate red, i need your help pls…vote for me in the philippine blog awards!#35-flamindevil..pls click the link then you can see on the left side there’s a voting area.click#35 then submit vote.thanks in advance…this means a lot to me. :p

    btw, bonistation is number 33 and topexpress is number 34..u can vote 3 people at the same time. thanks po.

    http://pinoyexpatsblogawards.com/

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s