KUNG ANG PAG-IBIG AY HINDI PA SAPAT

Ang tula kong ito ay  nalathala sa Livewires na siyang babasahin ng IWS noong Pebrero ng taong 1995. Hayaan ninyong maibahagi ko ito sa inyo.
KUNG ANG PAG-IBIG AY HINDI PA SAPAT

Nanalig ako na tayo ay iisa        
Sa lahi, sa prinsipyo
Sa dugo, sa tibok ng puso
Kaya iniluhog mo ay hindi binigo.
Hindi lingid sa akin ang sinasabi nila
Hindi daw tayo bagay na maging magkasama
Sa tingin ng lipunan kita ay magkaiba
(Ngunit ano nga bang pamantayan mayroon sila?)
Ginawa nating ang landas ay mahawan
Sa tamis ng iyong salita ako ay nanghawakan
Tanging puso lang ang aking pinairal
Diyos na ang bahala sa ating pagmamahalan.
Bakit siphayo pa ang aking nakamtan
Nang minsang matulog na ika’y kapisan
Ngunit ng magising sa kinabukasan
Isa ka na lang bahagi ng aking nakaraan.
Ano na ang nangyari sa ating damdamin
Sa wagas na sumpaang sa aki’y itinanim
Dahil ba ang kulay ng dugo ko ay pula
At ang sa iyo ay bughaw naman pala?
Paano pa ang susunod na salinlahi
kung sa lipunan natin ay may pagtatangi?
Nais ko lang ding ipaabot ang pasasalamat sa lahat ng mga bumisita sa aking blog na ito. Ito rin kasi ang unang taon mula ng aking simulan at special mention ko ang kuya nating lahat na si Bluguy, siya ang unang nakakita ng blog ko kinabukasan lang at sa kanya nagsanga sanga ang mga naging kapitblog ko dito hehe. Salamat Bluguy at sa mga kablogs ko.

3 responses to “KUNG ANG PAG-IBIG AY HINDI PA SAPAT

  1. wow congrats.. isang malaking achievement po ang maipaskil ang gawa sa isang babashin😀
    ang ganda.. muntik na ko maiyak..
    madamdamin masyado… huhuhu

    nakakatouch.

    ayos ang drawing. kaw po nagdrawing?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s