Mga benepisyo ng Expanded Senior Citizens Act of 2010

Sa wakas ay nilagdaan na ni PGMA ang bagong batas para sa Senior Citizens ng Pilipinas. Ito ay karagdagan mula sa mga benepisyong ipinatupad ng Senior Citizens Act of 1992. Ito ang isa sa mga batas na naaappreciate ko. Sino nga ba sa atin ang hindi aabot sa pagtanda (maliban na lang sa mauunang humarap kay Bro.) Narito ang mga benepisyong nakapaloob dito:

  • 20 % diskwento at exemption sa VAT ng mga produkto at serbisyo gaya ng gamot, medical at bayarin sa dental, pamasahe, serbisyo sa mga hotel, restawran at admission sa mga sinehan at iba pang lugar libangan. Kapag may mga promo, ang ating mga elders ay maaaring makuha ang anumang promo o ang 20% diskwento, anuman ang mas mataas sa mga ito.
  • Mandatory na sila ay kasama sa PhilHealth. Libreng medical at serbisyong dental, diagnostic at laboratory fees sa lahat ng pasilidad ng gobyerno.
  • Tulong pinansiyal na P500 kada buwan. Para sa mga maralitang matatanda ay P1,500 kada buwang tulong at bakuna para sa anti-flu (iwas trangkaso) at “pneumococcal” na sakit.
  • 5% diskwento sa water bills kung ang magagamit ay wala pang 30 cubic meters kada buwan at ganundin sa electric bills kung ang konsumo ay wala pang 100 kilowatt-hours.
  • Tulong pang-edukasyon sa mga makakapasa sa mga rekisitos ng eskwelahan.

Para makuha ang mga benepisyong ito ay kinakailangang ipakita ng mga Senior ang kanilang passport o anumang dokumento na nagsasaad ng kanilang edad at citizenship.

Sa pagkamatay ng Senior Citizen, ang pinakamalapit na kamag-anak ay makakatanggap ng tulong pinansiyal na halagang P2,000.

Ipinag-uutos din ng batas sa DOH, LGUs at iba pang organisasyon ang pagpapanatili ng programang pangkalusugan para sa mga elderly. Maging ang pagkakaroon ng tanggapan para sa mga Senior Citizens sa lahat ng lungsod at munisipalidad at pagkakaroon ng ward para sa kanila sa mga hospital ng gobyerno.

Hindi man ito sapat sa lahat ng pangangailangan nila ngunit malaking bagay na para sa mga nakakatanda nating matagal na dapat nabigyan ng pansin.

Sa mga nagtulak ng batas na ito, isang puntos para sa inyo.

8 responses to “Mga benepisyo ng Expanded Senior Citizens Act of 2010

    • Hi,
      Philippine Heart Center sa Diliman ang nangunguna at ang PGH. Oo nga’t naturingang government hospital ang mga ito pero pera pa din ang magtatakda kung ano ang aabutin ng pasyente. Sa PGH napakahaba ng listing at need pa ng mga recommendation minsan. Hindi na kasi serbisyo ang hospital natin ngayon kundi negosyo e.

  1. san po akong maaring hihingi ng tulong..naconfime po ang father ko sa private hospital. ngbill kami ng 100 k plus less philhealth at senior nsa 56thousand nlang kaso lng 26 lng ang cash namin.ngayon hindi po kami makakalabas ng hospital pg d pa fully paid…ginawa naming collateral yong motor ng kapatid ko kaso lng ang sabi samin d na raw kami makaka avail ng discount sa senoir,,pagtinubos daw namin yong motor 58thousand na raw ang babayaran namin. inshourt binalik nila yong nabawas na dapat sa senior discount..saan po kami pwedeng lalapit..kailangan po namin ng tulong….

    • Hi,
      me 2 ka pang ahensiya ng gobyerno na pwedeng lapitan, una ang DSWD diyan sa lugar niyo. Tumutulong ang mga yun sa mga less fortunate at lumapit din kayo sa PCSO…ngayong malapit na election at alam niyo na mga kandidato, laban man sa prinsipyo niyo ay maaari niyo din silang lapitan…nalulungkot ako sa nangyari sa father mo at sana ay maging maayos ang lahat.

  2. lahat po ba Ng senior citizen makakatangap Ng benipisyo galing Sa gobyerno dahil ang tagal na po hinihintay Ng nanay Ko ang benepisyo Para Sa kanya dtovpo Sa barngay buli muntinlupa san po BA kami lumapit dahil na nangangasuwa mo dto Sa amin laying galit kapag lumalapit Sa kanya para magtanong sana matulyngan to pa kami

    • usually sa mga munisipyo ay meron talagang Senior Citizens office, dun kayo direktang lumapit at magtanong. Alamin din ninyo kung me mga aktibong Senior Citizens group na maaari niyong samahan…kadalasan sa mga area di nawawalan niyan…magtanong tanong kayo. God bless.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s