Ang inagurasyon ni P-Noy

P-Noy

Bukas sabi nga nila ay isang bagong kabanata ng ating bansa dahil bukas ay ang inagurasyon at pormal na pag-upo ni P-Noy, ng presidenteng si Benigno C. Aquino III.

Kanya-kanyang opinyon, kanya-kanyang ispekulasyon at ekspektasyon ng sambayanang Pilipino. Marami siyang ipinangakong pagbabago na panghahawakan ng mga maralita, ang hamon sa kanyang kakayanang maipatupad ito at maging iba sa mga nagdaang Pangulo ay napakalaki.

Gaya ng dati, naroon ang mga kapanalig at ang pagbabantay naman ng mga nasa kabilang panig sa lahat ng kanyang mga desisyon at gagawin. Ang paghahalintulad sa track record ng kanyang yumaong ina na si dating Pangulong Cory sa kalinisan sa korupsiyon ang isa sa pamantayang dapat niyang tularan.

Bubot pa siya sa aking pananaw at isa iyon sa kanyang kahinaan dahil napapaligiran siya ng mga trapong hanggang ngayon ay palipat-lipat lang ng  panig. Hindi magandang isiping maiimpluwensiyahan siya ng mga ito pero di malayong mangyari.

We will give him the benefit of the doubt ‘
ika nga ng marami, panahon niya ito at sana ay maging matatag siyang pamunuan ng maayos at matuwid ang ating bansa.

Sa bagong pangulo ng Pilipinas, P-Noy nasa iyo ang bangka upang itimon ang ating bansa ngayon. Nawa ay maayos mo itong maisagawa. At para sa ating pangkaraniwang mamamayan naman, ang patuloy na pagbabantay at pagiging mulat sa lahat ng mga isyu lalo na ng katiwalian at kawalang hustisya.

Mabuhay ang Pilipino sa bagong kabanata!

7 responses to “Ang inagurasyon ni P-Noy

  1. pinanood ko ang buo niyang talumpati. naka-focus siya sa reporma partikular sa korapsyon. Hindi nga lang niya nabanggit ay ukol sa isyu sa Reporma sa Lupa at Hacienda Luisita. Nanatili din si Sec.Romulo sa DFA na kung tutuusin eh nakalusot ang tratado sa U.S na dehado tayo.

    • Iyan ang inaalala ko noon pa man. Maraming kulapol ang mailuluklok at patuloy na magpapabulok sa gobyerno kapag hindi nabantayan ng maayos. Ngayon na din kasi ang panahon ng pagbabayad ng utang na loob e.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s