Unang SONA ni P-Noy – Boses nga ba ng masa?

P-NoySa darating na Lunes, Hulyo 26, 2010 ay magaganap ang unang SONA ni P-NOY.

Ang State of the Nation Address (SONA) o Talumpati sa Kalagayan ng Pilipinas ay ginagawa bago ang pagbabalik sa magkasamang sesyon ng kamara at senado. Isa itong katungkulan ng Pangulo na nakasaad sa 1987 Constitution.

Hindi pa tapos ang honeymoon stage ni P-Noy, ni wala pa nga itong isang daang araw bilang Pangulo at madami pa din ang naghihintay sa iuulat nito. Ayon na rin sa kanyang mga tagapagsalita ay mas malinaw na programa daw ang ihahapag sa taong bayan. Sa mga tagasuporta ay tiyak na palakpakan at sa mga detractors at nagsisimula ng maging kritiko ng administrasyon, ito ay isang bulaklak lang ng dila at siya ay mananatiling isang mahikero hanggang di naisasakatuparan.

Ninais ng mga progresibong grupo katulad ng BAYAN, BAYAN MUNA at GABRIELA na magrally, kasama ng madaming iba pa at hiling na makalapit sa pagdadausan ng SONA. Mas malapit nga naman ay mas madaling madinig. Hindi ito pinahintulutan ng kapulisan at medyo tumaas lang ang kilay ko ng marinig na kung si Noynoy lang daw ang masusunod gusto niyang sa QC Memorial Circle na lang magrally ang mga ito.

Nabawasan ang puntos ni P-Noy sa akin doon. Ano ang akala niya sa mga raliyista, pupunta lang ng picnic para sa parke magrally? Hindi pa naman nangyari sa kahit na sinong Pangulo ang ganun. Hindi mo malaman kung matutuwa ka o maiinis. Natural na “Kapayapaan” lang ang hangarin nila sa araw na iyon, ngunit wag naman niyang isara ang tenga sa gustong iparating ng mga grupong ito. Hindi naman pupunta ang mga ito para manggulo at malamang din na hindi para batikusin agad siya.

Magaganap na ang unang SONA sa pamumuno ni P-Noy. Sana nga ay hindi lang isang ilusyon ang maraming pangakong binitiwan niya. Natutuwa din akong malamang dumarami na ang namumulat at gumagawa ng mga kaparaanan upang makatulong sa ating bayan. Malaking kagaanan ito upang mapadali ang gawain ng Pangulo.

Abangan ang kasunod na kabanata.

2 responses to “Unang SONA ni P-Noy – Boses nga ba ng masa?

  1. Hindi naman pupunta ang mga ito para manggulo at malamang din na hindi para batikusin agad siya.

    – naniniwala din ako sa punto mo dahil pareho din tayo ng prinsipyo. marahil, mabuti na rin ang ganuon para sa kapakanan ng lahat. in the end, nandiyan ang media upang i-cover ang kanilang gagawin at maging bibig nila sa publiko

  2. parehas tayo. uminit din tenga ko sa sinabi ni noynoy. pero natawa na rin ako, sila na mismo ang naglalantad sa sarili nila, kung anong pulitika ang meron sila. mas malala pa ang mungkahi ng isa sa tagapagsalita niya sa pagpupulong ng mga ralyista at mga pulis: wag na lang daw munang magrali, habang wala pang 100 araw si Noynoy. buti na lang napilitan ang CHR na sagutin ito.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s