Unang Pag-uulat sa Kalagayan ng Bansa SONA 2010

P-NoyKatatapos pa lang ng kauna-unahang pag-uulat ni P-Noy sa kalagayan ng bansa. Maraming pangako, maraming paglingon sa nakaraan, maraming panghihikayat at maraming palakpak.

Hindi maikakailang isa siya sa malakas ang karisma sa masa. Dala marahil ng pagiging mapagpakumbaba nito at laging pagbabalik ng pasasalamat at utang na loob sa sabi nga niya ay pinagkakautangan niya, ang Diyos at ang mamamayan. Kahit akong isang kritiko ay hindi mapigil humanga sa ibang klaseng talumpati nito.

Hindi masyadong malinaw ang kanyang programa o mga solusyon sa problema. Mas napagtuunan ang panunumbat at paglingon sa nakaraang administrasyon. Hindi ko gaanong tiningnan itong negatibo, kauupo lang niya at normal sa palagay kong sariwain ang  “nakaraan”. Kapag sa mga susunod na SONA ay ganito pa din ang laman, yun ang hindi na normal.

Masarap magpatianod sa magagandang salita, parang tinuturuang mangarap ang bawat Pilipino. Parang sinasabing magwawakas na ang kahirapan. Masarap mangarap totoo yan. Kaya lang ang isang bahagi ng pangarap ay ang katotohanang hindi ito totoo. Magamit sana nating sandata sa pagbangon ang pag-asang ating pinanghahawakan ngayon.

Bago siya nagtapos ay mahigpit niyang itinagubilin ang hindi lang pakikialam kundi pakikilahok. Ang patuloy na pagbabantay sa mga nakaluklok. At nawa ay magawa nga niyang making sa tinig ng masa sa mga darating na panahon at hindi lang ito bahagi ng isang “kampanya.”

Makibahagi, makilahok at magbantay!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s