Huwag galawin ang budget sa edukasyon

cutoff on education

Pangalawang araw na ngayon ng protesta at welga ng mga estudyante maging ng mga guro sa mga unibersidad. Ito ay may kaugnayan sa budget cutoff ng Gobyernong Aquino na umaabot sa P1.39 bilyon.

Sa tagal ng panahon ngayon lang natin narinig na binawasan o babawasan ang budget na nakalaan sa edukasyon. Hindi ito isang nakakatuwang desisyon dahil tiyak na maaapektuhan ang benepisyon at serbisyong nakalaan para sa mga mahihirap na mag-aaral. Hindi natin masisisi kung sila man ngayon ay lumabas upang tutulan ang napipintong pagbabawas ng budget.

Sa isang bansa na kakaunting serbisyo na lang ang naibibigay sa mamamayan, ito ay isang malaking dagok. Noon pa natin alam na ang edukasyon sa ating bansa ay hindi na isang karapatan kundi pribelehiyo na  lang ng iilan, ito ang huling pakong babaon sa ataul ng kalagayan ng ating edukasyon.

Maaaring namomroblema ang gobyernong P-Noy sa budget pero hindi ang edukasyon at kalusugan ang kailangang bawasan. Marami pang iba gaya ng pork barrel ng mga mambabatas. Hindi ba niya ito magalaw dahil naipangako na sa kanyang mga kaalyado?

Isa ako sa mga sumasaludo sa pagkakaluklok ni P-Noy pero isa rin ako sa mauunang tumuligsa sa mga ganito kapalpak na mga desisyon.

Huwag galawin ang budget ng edukasyon maging ng kalusugan. Ibigay sa mamamayan ang batayang serbisyong malaon ng hindi nakakamtan at ngayon at napipinto pang bawasan.

Itigil ang balak na pagbabawas sa budget!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s