17th Clark Hot Air Balloons Festival

Nagtapos kahapon ang ginanap na ika-17 Hot Air Balloon Festival sa Clark Airfield na nagsimula noon pang Pebrero 9.

Naroon ako kasama ang mga kaibigang sina Juliet at Shio upang makisaya at makigulo sa mga kaganapan.

Sa Shanghai Restaurant sa Balibago kami nagtanghalian courtesy of BFF Juliet. Seafood canton, peking and tender  lechon with a huge servings of Fried Rice…siyempre pa di kinaya ng byuti namin na itaob ang nakahain dahil malalaki ang order nila.

VIP ang lugar na napuntahan namin kung saan mga chase crews at mga may-ari at pamilya lang ang pwedeng maka-access, salamat sa buddy namin na 4×4 driver at isa ring chase crew. Mula sa aming kinaroroonan ay makikita at malalapitan mo ang mga hot air balloon, madarama ang init kapag binubuhay na ang mga ito at masisilip sa malapitan ang pagpapalobo at maging ang paglipad sana. Medyo nakakalungkot lang na sa 27 kalahok na balloons ay nasa 7 lang yata ang nagtangkang magpalobo ngunit bigong makalipad. Mahangin at may mahinang pag-ulan kaya hirap na makaangat ang mga higanteng lobo.

Right where the action is

hanggang dito lang ang kayang itayo

Maging ang pagpapalipad ng saranggola ay makikita din sa event na ito.

Saan ka pa ha bazooka lang naman with poging escort haha

hanggang sa muling adventure mga kasama!

2 responses to “17th Clark Hot Air Balloons Festival

  1. sa susunod na balloon festival lang uli, harinawa wala ng gaanu hangin at ulan para mas masaya. pero higit na magiging masaya kung kayo uli ang makasama. salamat sa araw na tayo ay magkakasama…..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s