The Oldest Sky Walker So Far

Kung kayo ay magagawi sa Cebu to visit this place, alam natin na parang kulang ang adventure ngayon dun kapag di ka man lang nakasubok kahit alin sa Crown Regency Hotel and Towers ng Sky Walk, Edge Coaster at ang kinababaliwang Zip line nila.

Noong unang araw na balakin naming subukan ang adventure na ito ay ayaw ng inang ko na sumama at baka di na daw niya kayanin yung lula kaya di namin siya pinilit…but knowing her alam kong kakayanin niya sa kabila ng kanyang edad na 76 y/o, malakas ang loob niya at alam kong magiging highlight un ng kanyang Cebu adventure kaya ng isinama namin siya, di namin ipinaalam na dun kami pupunta at di ko na siya binigyan ng pagkakataong tumutol pa na subukan iyon.

Sky Walk entrance area

 Sky Walk entrance area

Simpleng package lang ang kinuha namin, ang Extreme Sky walk adventure. Ang ride ay P300/each at ang entrance ay P250 kasama na ang isang token mula sa kanila. Para sa gustong subukan ang Edge Coaster ride ito ay P300 din at ang Zip line nila ay P600 naman (labas ang entrance fee). Ang dilemma lang ay di nila pinapayagan ang camera sa loob dahil exclusive sa kanilang photographer lang un at ang bayad ng bawat isang letratong mapili ninyo ay P230 (whew medyo mahal hehe).Hindi mo naman mapayagang di ka kukuha ng kahit isa lang dahil anong saysay ng adventure na ito na wala ka man lang mabitbit na “ibidinsiya”, so ung apat na letratong napili namin ay halos P1000 na din ang halaga.

Bawal ang nakasandals o tsinelas lang pero wag mag-alala, me libreng pagamit ng sapatos pero kailangan lang bumili ng medyas for hygiene purposes.

Tinanong ko kung ilang taon ang pinakamatandang sumubok ng Sky walk adventure at ang sabi ng aming guide ay 75 y/o daw at 2 linggo pa lang ang nakakaraan (di nga lang confirm kung babae o lalaki dahil ibang guide daw ang nag-assist). Natuwa akong labis dahil nalampasan ng inang ko ung record at sa ngayon siya ang pinakamatandang sumubok sa Skywalk adventure.

Game na game din sa posing si mader at kitang-kita ko yung yabang niya at tuwa sa karanasang iyon lalo at may kasamang certificate ito. Tatagal ng hanggang sa 15 minuto ang nasabing adventure hindi dahil sa malayo ang lalakaran kundi dahil sa mga paghinto upang kumuha ng larawan ang photographer. Narito ang ilang kuha mula dito.

Pakiusapan pa para makunan lang ng pics bago ilagay ang harness whew!

Sky Walk Adventure

Astig ni mader hehe sinong magsasabing 76 y/o na siya ha

Sky Walk Adventure

Mana sa ina weeeee

Sky Walk Adventure

Well behave naman ang isang ito

Sky Walk Adventure

Sky Walk Adventure

Sky Walk Adventure

Ibinilin ko sa guide wag na siyang pagpose in ng ganito kasi baka malula kaso siya pa ang nagprisinta wahhhh

Sky Walk Adventure

Sky Walk Adventure

Kayo na ang humusga kung sino ang me genuine na ngiti at ung ngiting pilit hahaha!

Try niyo din ito at tiyak mag-eenjoy kayo…

BTW, ang Sky walk adventure ay nasa 37th floor ng hotel, ang edge coaster naman ay nasa 38 at ang tower to tower zip line ay 42th (top floor).

6 responses to “The Oldest Sky Walker So Far

  1. Sobrang like ko ito… Kung sakali man, pipilitin ko ang nanay ko magpa-pose tulad ng sa mama mo, nakataas ang isang paa.. Wagas na pose.
    Si nanay ang may genuine na ngiti… Imagine nabreak pa nya ang record… Hurray!

  2. ung mga picture na nakaharness kung mapapansin mo iba kuha kasi pinicturan lang namin ung pic na kinuha namin mula sa kanila…un me bayad. ung wla pang harness pakiusapan lang para kahit paano madagdagan ung pics namin haha. Yup mejo tricky nga kasi hindi nila un pinapaliwanag until makapasok ka na so wala ka ng magagawa pa kundi mag-avail.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s