Kristo, Ikaw Ay Nasaan

Para sa siping Enero-Marso 1995. Bahagi pa din ng “pag-iimortal” ng aking mga katha.

Tula para sa Semana Santa ng taong iyon.

 

Kristo, Ikaw Ay Nasaan

At nagsimula akong magtanong

Nasaan ba ang Kristo?

Hinanap ko siya s mga gusaling bato

Sa nagtatayugang mga moog at konkreto

Sa matatamis na pangaral ng mga pilosopo

Sa mga mukha ng tila kaybubuting tao

Sa banal na awit ng mga relihiyoso

Naghanap ako.

Pinuno kong pilit ang aking dibdib

Sa mga salitang sa akin ay makakantig

Puso ko’y pilit na pinaapaw

Paghahanap ko’y hinahanapanng pagkatighaw

KRISTO, bakit tila ako naliligaw

Nalulula, nagtatanong, kumakatok

Pinagbubuksan, ngunit daan ba ay nasaan?

Sa lawak ng mundo ay saan pasisimulan?

Hinubad ko ang sandalyas at ako’y lumakad

Sa daang makipot, maliit, madawag

Sa lugar na kung saan naroon ay kapuspalad

Na wika ng iba, DIYOS man ay di anak

Hapo kong diwa ay doon inilagak

Ngunit himalang doon ako ay panatag

Napagtanto kong ang aking hinahanap

Naroon sa sulok ng mga tagong pangarap.

Sa mga impit na daing ng tiyang kumakalam

Sa mga piping katuwaan ng tiyang nalalamnan

Sa mga munting kamay ng musmos na isipan

Na nakatitig at puno ng pag-asam

Dukha man ngunit pag-asa ay hindi nawawalan

Naroon si KRISTO at doon nananahan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s