June Bride

Natatandaan ko pa

Ang nakakaigayang ngiti sa labi mo

Nang magpaalam ka sa iyong ama at ina

Na ikaw ay mag-aasawa na.

Nakita ko ang agam-agam ng iyong mga magulang

Wala ka pa raw kamuwangan sa bagay na iyan

Labingwalong tag-araw pa lang ang sa iyo ay nagdaan.

Ngunit ikaw ay mapilit

May kung anong engganyo sa iyo ang Hunyo

Na nakapag-aalis ng kaba

Nakakapagwalang bahawa sa paala-ala.

Ngayon ay katuparan

Nang sabi mo’y kabuuan ng iyong pangarap

Kasama ang sintang iyong minamahal

Sa harap ng pari sa loob ng simbahan.

Ano kaya ang hangganan

Sa lahat ng iyong inaasam

Isang masayang bunga sa hinaharap

O ang kabilang mukha ng kapalaran?

(Hindi inaari ng otor ang larawang kalakip nito)

One response to “June Bride

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s