Redfieryheart Pisonet

Isang mabunga at napakagandang simula para sa taong 2015.

Sadyang nangyayari ang lahat sa tamang panahon, in His time….

takot akong magsimula ng negosyo sa ilang kadahilanan, walang pwesto, walang puhunan, at walang makakasama o makakatuwang.

Dalawa ang boss ko sa online jobs at nakukuha nito ang buong panahon ko, di ko kasama ang aking partner at ang alam ko lang ay ang magluto at kung iyon ang pagsisimulan ko ay kakain ito ng buo kong panahon at medyo malaki laking puhunan.

Hanggang sa naimungkahi ng aking kaibigan na subukan ang pisonet, di siya bantaying gaano, minimal lang. Nagkataon pang nabakante ang tindahan ng aking ate na namayapa dahil sa extension nais magtinda ng aking pamangkin. Nakita ko ung ideya at nagustuhan.

Ngayon, kahit munti lang at ilang unit pa lang ay akin itong sinimulan, ang katwiran ko wala akong dapat ikatakot dahil ang trabaho ko ay intact pa at wala namang pupuntahan ang negosyong ito kundi magbalik na ng puhunan. Walang pwestong babayan maliban sa konsumo sa kuryente. Ang internet ay extension lang sa gamit ko.

Unang araw ng taon, at kahit isang dipa at kalahati lang ang sukat ay nakakatuwang me ribbon cutting pa. Bunga ito ng mapaglarong guni-guni ng isa ko pang kaibigan na siya ko ding ginawang ribbon cutter.

Kaya ngayon, aking ipinakikilala ang Redfieryheart’s Pisonet…halikayo at makipaglaro sa amin.

Ang cute kong shop…

DSCN3048

Panalangin…pasensiya na po at naatasan akong humawak ng wine

Prayer by Ateng Pining

Juliet at inang sa pagputol ng ribbon

Juliet and Inang

paghuhulog ng unang coin sa slot

Paghuhulog ng coin

Ang ceremonial toast

Ceremonial toast

Ang pika pika open sa lahat

Finger foods

Mapayapang Bagong Taon sa lahat.

 

2 responses to “Redfieryheart Pisonet

    • Hi,
      Ulitin ko na lang ang sagot sa isang nagtatanong din ha.

      Ang kaya ko lang itulong sa iyo ngayon ay ang bigyan ka ng mga site na kung saan pwede kang maghanap ng work. Try mo sa odesk.com at onlinejobs.ph. Huwag na huwag mong papatulan ang mga site na manghihingi muna ng bayad bago ka makapag apply. Hindi na madali ang pag-aapply online ngayon kasi yung mga kumpetensiyang bansa at mismong mga Filipino ay sobra na ang baba sa bid na ginagawa makakuha lang ng work.

      Gawa ka ng resume, kuha ka ng mga test sa odesk at tingnan mo ang mga trabahong tingin mo ay kaya mo.

      Goodluck!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s