Manaoag, Maranum Falls, Sky Plaza Natividad Long Motor Ride

Kahapon, Marso 24 ang kauna-unahang malayong motor ride na naranasan ko kasama ang Sym Motor Riders Club at Paniqui Riders, 26 na motor at 40 na participants…wow di biro yun ha. Nagsimula at tinapos ang activity sa panalangin.

2:30 meeting place namin sa Salapungan Gas station Tarlac, sinundo kami ni Jhonny (thanks Jhonny)

3:oo AM meet up sa Paniqui

This slideshow requires JavaScript.

 

Bago 5:30 AM nasa Manaoag na kami at by 9:30 AM ay next location na, Natividad.

This slideshow requires JavaScript.

Maranum Falls, Natividad, Pangasinan

This slideshow requires JavaScript.

Sky Plaza, Natividad, Pangasinan

This slideshow requires JavaScript.

“Magtiwala ka at Ako ang bahala”

Pagkatapos ng mahabang paglalakbay…ito ang tumimo sa aking isip pagkatapos ng mga takot na nalampasan ko.

Unang pagsubok..sa kalagitnaan ng madilim na madaling araw at tumatakbo ka ng nasa 70 kph, bigla na lang may magpa fashion show na malaking aso sa gitna ng hiway…wala ka ng panahong mag-isip pa…di ako pwedeng magbrake agad (semplang to the max tiyak) di din ako marunong mag bunking. Pikitmata at hinanda ko na lang ang sarili ko sa maaaring mangyari. sigurado akong mahahagip ko ang asong iyon at wala na akong magagawa pa. Ngunit himala…di ko nahagip ang aso at nakaligtas ako…ganggabuntot na pagkaligtas sa kapahamakan. at kitang kita din iyon mga kuya ko na nasa likuran ko lang.

Ikalawang pagsubok, driving pababa sa madulas, mabatong daan. Kasubuan na, papuntang Maranum Falls upang humanap ng pagpa-park an. Sobra ang kaba ko dun kasi konting pagkakamali tiyak na sesemplang ako… pero ayun nakalampas pa din ng ligtas hehe.

Ikatlong pagsubok, pagbaba sa Sky Plaza. Ang pag-akyat sa Sky Plaza ay isa ng pagsubok, di biro ang tarik nito pero sementado, may 3 bwelo ang pag-arangkada at kapag mahina ang hila ng motor ay mamarapatin mo ng magpaiwan sa ibaba. Lakas loob, ginaya ko ung ginawa ng iba na pa ekis ekis at nakauno lang…okay sa olrayt..nakaakyat ako.

Naenjoy ko yung tanawin sa itaas, parang Tagaytay, selfie, groupie at inom ng malamig na Softdrink.

Pang-apat at di ko malilimutan sa lahat… ang takot sa pagbaba. Hindi ko akalaing mararamdaman ko ang walang katulad na takot. Halos himatayin ako sa pagbaba kasi sobra talaga ang tarik at pakurba ito. Wala ng pagkakataong umurong pa dahil alanganin na ang pwesto ko. Dalawang brake ang pigil ko, harap at likod. Natatakot ako na sa sobrang pigil ay matumba ako at natatakot din ako na luwagan ang pigil dahil baka magdere-deretso ako at tiyak salpok sa gilid o tuloy tuloy na dumausdos. Hindi ko na matandaan kung paano ako nakababa pero nagawa ko pa din. Ang kabog ng dibdib ko ay nakabibingi at ang sakit sa pakiramdam.

Pagkatapos ng lahat..di ko maikakailang naenjoy ko ang experience na ito at doon ko napagtanto na ang presensiya ng Panginoon ay di matatawaran. “Magtiwala ka at Ako ang bahala”. Salamat Panginoon.

Hanggang sa muling paglalakbay…samahan ninyo akong muli.

Salamat mga bro riders!

One response to “Manaoag, Maranum Falls, Sky Plaza Natividad Long Motor Ride

  1. Pingback: Manaoag, Maranum Falls, Sky Plaza Natividad Long Motor Ride | Philippines Gateway

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s